Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Frank Vessia on Unsplash

My Dear Iponaryong Seafarers,

Kung magkakaroon kayo ng pagkakataong bigyan ng trip to abroad ang taong may utang pa sa inyo, saan naman ito?

“Ha? Bibigyan ko sila ng trip to abroad habang ako nagpapakahirap kumita ng pera abroad?”

“Eh may utang pa sila sa akin ha!”

“Chinkee, okay ka lang?”

Maaaring ganito ang iniisip n’yo ngayon. Pero oo, tama ang pagkakabasa n’yo sa tanong ko.

Depende na lang kung gaano kalalim ang hugot n’yong utang-issue ng taong hindi pa rin bayad sa utang niya sa inyo, aba, heto ang listahan ng mga bansa kung saan n’yo sila maaaring dalhin:

I.T.A.L.Y.  (I Trust And Love You) …BUT…

Yes, there is a big BUT..

Mahal natin ang ating pamilya, mga kaibigan, at mga taong malapit sa puso natin, BUT gusto pa rin natin na nagbabayad sila sa mga utang nila sa atin.

Alam mo ba kung bakit hirap kang maka-ipon ng pera? Kasi may instances na pautang ka nang pautang, lalo na sa iyong mga kamag-anak pero nahihiya kang singilin sila… hanggang sa hindi ka na talaga nila  bayaran… hanggang sa patay-malisya na lamang kayong dalawa tungkol sa utang issues ninyo.

“Chinkee, ang hirap maningil sa kapamilya o kamag-anak.”

“Baka ma-offend ang kaibigan ko kapag pinaalala ko sa kanya ang utang niya.”

“Baka sabihin arogante ako o hindi ako mapakali sa utang nila.”

Naku, my friend. Kung ganyan ang magiging mindset mo, malaking kawalan ang magiging resulta nito. Lalaki nang lalaki ang amount ng pera mo na mawawala sa ’yo dahil sa mga utang na hindi bayad sa iyo. Hindi na rin sila mahihiyang manghiram nang pera sa ’yo kasi alam naman nilang hindi ka naniningil! Hindi lamang pera ang mawawala sa ’yo, kundi maging ang magandang pinagsamahan mo sa mga taong may utang sa ’yo.

My friend, kung sakaling mangyari na may nangutang sa ’yo pero hindi nagbayad, take it as lessons learned na. Kung nahihiya kang maningil, make sure na hindi na makakaulit sa ’yo ang taong iyon. At sa susunod na magpapautang ka, magpautang lamang ng halagang kaya mong mawala sa ’yo sakaling hindi ka na bayaran ng tao.

LON.DON (Loan D’on, Loan Dito)

May kilala ka bang taong utangero pero wagas kung makapag-post ng mga pinaggagastusan niya sa social media?

  • #blessed
  • #newBag
  • #FineDining
  • #Iphone11
  • #StaycationsaBeach
  • #TravelGoals

‘Yan ang tipo ng tao na bili nang bili ng kung anu-anong hindi naman niya afford at inutang lang naman ang pangbili nun pero walang humpay ang posts sa social media para lang masabing “cool” at “in” siya.

Hindi naman ang pagpo-post ang issue rito, pero ang ugali niya at kung paano niya ginagampanan ang kanyang responsibilidad sa mga pinagkakautangan niya.

Imagine? Habang siya nag-eenjoy sa beach, ikaw sumasakit ang ulo kakaisip kung kailan ka niya babayaran?

Okay lang naman na mag-enjoy at mag-happy happy basta’t nagagampanan pa rin ang mga responsibilidad, lalo na sa mga utang.

Bago tayo magpaka- #blessed sa social media, siguraduhin munang tayo ay #utangfree.

J.A.P.A.N (Just Always Pay Ahead Nicely)

Na-try mo na bang paalalahanan yung tao sa date ng pagbayad n’ya ng utang? Naranasan mo na bang maningil ng utang? Anong pakiramdam na kailangan mo pa talagang paalalahanan yung tao na magbayad? Pakiramdam mo ba masama ka nang tao?

“Oh, ayan na!

“Saksak mo sa baga mo bayad ko sa ‘yo!”

“Akala mo ba hindi kita babayaran?”

Wala namang masamang mangutang, lalo na kung kailangang kailangan na talaga. Walang masama pero huwag naman yung tayo pa ang galit kapag sinisingil na.

Pwede namang magsabi nang maayos kung hindi pa kayang magbayad. Responsibilidad din naman kasi ng taong may utang na magsabi kung kailan nila balak magbayad talaga.

Isipin na lang natin, kung nangutang tayo dahil kailangang kailangan natin ng pera, sooner or later ay kakailanganin din nila ang perang pinautang nila sa atin.

Kaya my friend, kung ikaw ang nangutang, always remember JAPAN. JAPAN! Let us pay ahead nicely. At kung ikaw ang inutangan, sana makahanap ka ng magandang paraan para maalala ng umutang ang JAPAN. 

At kung ikaw ay may kilalang bagay sa tatlong nasabing lugar, nawa’y matuto ka na sa dapat gawin tuwing magpapa-utang. Kung kaya namang matulungan ang tao sa ibang bagay nang hindi nagpapautang, tulungan mo na lamang siya. At kung no choice ka na, magpautang lamang sa taong tapat magbayad, at magpautang lamang ng halagang kaya mong mawala sa ’yo.

Simulan na ang iyong buhay IPONARYO through PISO PLANNER + 4 FREE books (Diary Of A Pulubi, My Badyet Diary, My Ipon Diary, and My Utang-Free Diary) para ikaw ay maging isang ganap na PAYAMAN at UTANG-FREE! Bisitahin ang www.chinkshop.com para sa ibang detalye.

THINK. REFLECT. APPLY

  1. Mayroon bang may utang pa rin sa ’yo at nakalimutan nang magbayad?
  2. Saan sa mga nabanggit na bansa siya nababagay?
  3. Ano ang gagawin mo sa susunod na may mangutang pa ng pera sa ’yo?

 

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.