Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Chinkee, bakit parati kang motivated?

Bakit hindi ka sumusuko?

Para kanino ka bumabangon?

Parati akong nakakaencounter ng mga ganitong tanong. Every time, sinasagot ko sila ng aking life mission — I want to fulfill my calling to help people become wealthy and debt-free.

Sobrang nakatataba ng puso para sa akin na makatulong sa pagtatagumpay ng isang tao. Yung dating lubog sa utang, ngayon malaya na sa pinagkakautangan. Yung dating walang ipon, ngayon ay may savings at may emergency fund pa. Yung dating hindi marunong mag-invest, ngayon ay kayang-kaya nang palaguin ang pera.

Maliban pa sa calling ko, ang inspirasyon ko sa pagpupunyagi ay ang mga taong parte ng buhay ko — ang mga taong kasama ko umpisa pa lang ng journey na ito at hanggang ngayon ay nananatiling sumusuporta. Na-realize ko na sobrang importante na magpasalamat sa mga taong parte ng buhay natin. We may be familiar with their presence but sometimes we take them for granted, but this new year is a good time to appreciate and value our beloved.

Sa pag-uumpisa ng bagong dekada, dapat ay matutunan din nating magpasalamat sa Panginoon, we still have the chance to be around these precious people who bless us in many ways.

FAMILY

Ang pamilya naman natin ang ating core team — ang ating main support. So dapat lang, kapag wala tayo sa barko, we make sure that we spend time with them kahit busy ang schedule sa paglakad ng mga certification at iba pang pinakaabalahan. Kung nakasampa naman, try rin natin to make the effort to stay in touch, kahit Facebook or Skype or email yan. A healthy and peaceful home gives us a healthy and peaceful mind. Kaya bigyan natin ng prayoridad ang ating pamilya.

COWORKERS AND STAFF

Halos buong araw tayong nasa barko kasama ang mga dating strangers na ngayon ay teammates na. We try our best to get along with them despite all the challenges while accomplishing our tasks.

Today, magpasalamat tayo sa mga buhay ng ating workmates na tinutulungan tayo sa ating trabaho. Kung ang ating workmate naman ay hindi masyadong masayang katrabaho, magpasalamat pa rin tayo dahil ginagawa nilang makulay ang ating buhay!

Kung ikaw naman ay boss o ang leader, express in any way how you appreciate your team’s loyalty and hard work. Tandaan na happy teammates do better work, so alagaan at mahalin natin ang ating staff!

SUPPORTERS AND FRIENDS

“As iron sharpens iron, so a friend sharpens a friend.” Sinabi ng Proverbs 27:17 na ang kaibigan ay importante sa pag-grow natin bilang indibidwal. Maliban sa pagiging loyal, ang totoong kaibigan ay magsasabi ng totoo para maging mabuti tayo. We need friends to keep us grounded and to guide us in our decisions. Pahalagahan natin ang kanilang mabuting impluwensiya sa ating buhay.

Gusto ko ring magpasalamat sa inyo, aking mahal na Team Positive. You have been with me in my radio programs, my workshops, my blogs and columns, my books, at ngayon sa lumalaki nating YouTube channel www.youtube.com/visionchinkee. I am so motivated to be better this 2020 para lalo pa akong makapagbahagi ng kaalaman at inspirasyon sa inyo.

You inspire me whenever I learn about your financial victories, because your success is my success, too. Gusto kong mabasa ang mga success stories n’yo. Maaari niyong i-send sa [email protected] ang inyong mga kwento kung paano kayo naging matagumpay at kung paano ko kayo natulungang maabot ang mga pangarap n’yo.

Thank you for sticking with me throughout the years. Marami akong pinaplano at inihahandang mga exciting na bagay para sabay-sabay tayong maging matagumpay ngayong taon. Let us make 2020 our best year yet!

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano ang motibasyon mo sa buhay?
  2. Anu-ano ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo sa iyong buhay?
  3. Paano mo mapahahalagahan ang mga taong patuloy na sumusuporta sa iyo?
Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.