Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Do you want 2020 to be better than the last year?

Do you want 2020 to be your best year yet?

Do you want to make and achieve great things this year?

Hindi masasabi ng horoscope, birthstones, o kaya ni Madam Auring kung magiging mas maganda ang takbo ng 2020 mo. Only you can make 2020 your best year yet. Only you can craft your own fortune.

Kahit tapos na ang Enero, it is never too late to re-calibrate yourself and your mind to focus on being excellent this year. Pwede kang magsimula sa 3Rs: Reflect, Recommit, Refocus.

REFLECT

Para maging mas magaling ngayong 2020, kailangan mo munang mag-reflect sa nakaraang taon. Ika nga, “ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” Kaya, identify important aspects of your life and assess yourself.

Kumusta ang mga relasyon mo?

Nagkaroon ka ba ng panahon sa pamilya at kaibigan mo? O masyado kang naging busy sa trabaho?

Kumusta ang iyong trabaho?

Satisfied ka ba sa mga output mo noong nakaraang taon? Ginawa mo ba ang iyong makakaya?

Kumusta ang iyong kalusugan?

Naalagaan mo ba ang iyong kalagayang pisikal, emosyonal, mental, at ispirituwal? Nagkaroon ka ba ng me-time o pahinga?

Kumusta ang savings mo ngayon?

Magkano na ang laman ng iyong bank account? Paano ka nagdesisyon sa iyong mga pagbili?

RECOMMIT

Ngayon na may evaluation ka na sa iyong 2019 self, alam mo na ang mga parte ng buhay mo na kailangan mong pagbutihin ngayong 2020. This year, commit to a better self by setting goals that will help you upgrade yourself.

Kumusta ang mga relasyon mo?

“Ngayong taon, maglalaan pa ako ng oras para sa aking pamilya at kaibigan.”

Kumusta ang iyong trabaho?

“Ngayong 2020, ipinapangako ko sa sarili ko na magkakaroon ng mas mataas na standards sa trabaho ko. Gagawin ko rin ang lahat para makakuha ako ng promotion.”

Kumusta ang iyong kalusugan?

“Ngayong taon, ipinapangako ko sa sarili ko na magpapahinga kung kailangan para maiwasan ang burnout. Mas aayusin ko ang aking pagkain at physical activities. Iiwas na rin ako sa mga toxic relationships para sa mental health ko.”

Kumusta ang savings mo ngayon?

“Ngayong taon, goal ko ang magkaroon ng ________ na savings. Ipinapangako ko rin sa sarili ko na magkaroon ng emergency fund. Gagawin ko rin ang makakaya ko para maging matalino sa lahat ng aking pamimili.”

REFOCUS

Being better is not easy because it is uncomfortable and life-changing. Pero kung magfo-focus ka lamang sa iyong goals, matatapos mo ang taon na mas mabuti kaysa dati. Para matiyak na magfo-focus ka sa goal mo to be better, you can do these simple things.

  1. Isulat mo ang goals mo sa lugar na madali mong makikita araw-araw para araw-araw ka ring mapaalalahanan na kailangan mong mag-focus.
  2. Mag-practice ng simpleng habits na makatutulong sa pag-abot mo ng iyong mga goals. Halimbawa nais mong mag-ipon. Have the habit na itabi na agad ang 1,000 per pay day. Huwag mag online shopping hangga’t hindi ka nakapag funds transfer sa savings account mo. Brew your own coffee din kaysa bumili ka ng mamahalin.
  3. Ask someone to be accountable with you. Pwede mo ring hikayatin ang kaibigan mo na sabayan ka sa be better challenge mo. Halimbawa, target mong mag-ipon ng malaki ngayong taon. Sabihan mo ang kaibigan mo na samahan ka sa Ipon Challenge. May kasama ka na sa pag-disiplina sa sarili, pareho pa kayong yayaman.

Narito na ang Ipon kit BUY 1 TAKE 1! Ipon Kit includes:

– Diary of a Pulubi

– Ipon Diary

– Ipon Can

When you purchase 1 set of Ipon Kit now, you will have another set for FREE! Instead of getting these for Php998, you can have these 2 sets for only Php499 + 100 shipping fee! Get your kits now! Visit www.chinkshop.com for more details

You can make 2020 your best year yet. Kayang-kaya mong i-level up ang sarili mo ngayong taon. Tandaan at gawin mo lang ang 3R: Reflect, Recommit, and Refocus.

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Mayroon ka na bang mga goals para ngayong taon?
  2. Anong bahagi ng buhay mo ang kailangan mo pang pagtuunan ng pansin?
  3. Paano mo pauunlarin ang iyong sarili ngayong taon?​
Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.