Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Content Pixie on Unsplash

Kumusta ang 2019 mo?

Masaya ba o nadagdagan ka ng kaaway?

Naging focused ka ba sa pagkamit ng mga goals mo o na-distract ka?

Kumusta naman ang bank account? Healthy ba o kailangan nang i-resurrect?

Ang bagong taon ay bagong pag-asa at bagong pagkakataon. Panahon ito para itama ang mga pagkakamali at ang mga hindi magagandang desisyon na nagawa noong nakaraang taon. Kaya para mas maging maganda ang 2020 mo kaysa sa 2019, heto ang iilang aspekto ng buhay na dapat mong bigyang prayoridad para maging matagumpay sa buhay.

Healthier You

Siguro last year, nag-enroll ka sa gym, nag-try ng bagong diet, o kaya nagdagdag ng activities katulad ng hiking o swimming dahil binigyan mo ng prayoridad ang physical health mo. Ngayong 2020, I suggest that you also give priority to your mental health.

Parami na ng parami ang naitatala na mayroong anxiety, depression, at iba pang mental health issues. Maaaring ito ay dahil sa stress sa trabaho o dahil sa problema sa pamilya. Maaaring dahil din sa mababang pagtingin sa sarili.

Kung anuman ang dahilan, I suggest that you become more conscious about your state of mind. I am not an expert on this, but if you are having these issues, I suggest that you recognize them and do something, instead of succumbing to them and just give up on life. Sabi nga, “So long as there is a pulse, there is a purpose.” May gagawin pa ang Panginoon sa buhay mo kaya fight for your purpose. Laban lang sa buhay!

Healthier Relationships

Isama mo na sa new year’s resolutions mo ang pag-iwas sa mga toxic people o sa mga emotional vampires ng buhay mo. Say bye sa iyong chismosa friend, sa kamag-anak na inggitera, o kaya sa nega mong workmate. Sabi nga sa Bible, “Bad company corrupts good character.” Kaya kung gusto mo ng mas masayang buhay ngayong 2020, stay away from bad influences.

Ang bagong taon ay magandang panahon din para makipagbati. Pero bago ka makipagbati sa iba, forgive yourself muna. Patawarin mo ang iyong sarili sa mga hindi pa nakakamtan na pangarap, sa mga abot-langit na expectations sa sarili, at sa mga hindi matalinong desisyong nagawa. Bitawan mo na ang mga excess baggage. Free yourself this 2020.

Healthier Finances

Excited ako tuwing bagong taon dahil it is another 12 months of opportunities to grow wealth! I suggest that you prioritize these things in your finances this 2020:

Savings

I-identify mo na ang target amount of savings mo this year. Mas specific, mas maganda para alam mo kung gaano ka magta-trabaho para maabot mo yun. 50K? 100K? 1M? Siguradong matutulungan ka ng Ipon Can at Iponaryo Planner sa pag-abot mo ng target savings mo. Check chinkshop.com to know more.

Freedom Fund

Allocation ito para mabura na ang lahat ng utang mo. Go debt-free this year!

Investment Fund

Habang nag-iipon ka, mag-aral ka na ng iba’t-ibang investment vehicles. Masyadong mababa ang interes sa bangko. Tiyak na matutulog lang ang pera mo doon. Study how to put up a business o kaya stock market para lumago ang pera mo.

I believe that you are going to have a good run this 2020. Ipinapanalangin kong maging healthy ka in mind, in relationship, and in finances ngayong taon. Have a successful 2020!

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano pang ibang bagay ang dapat mong bigyang prayoridad ngayong taon?
  2. Alin sa mga punto sa itaas ang dapat mong bigyang pansin?
  3. Ano ang target savings mo ngayong taon? Paano mo ito maaabot?
Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.