Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Benjamin Davies on Unsplash

Success, bakit ka mailap? 2020 na, wala ka pa rin. Masarap kang isipin pero napakahirap abutin! Bakit sa ibang tao, tila ang dali mo lang magpakita? Ano ba talagang pwede kong gawin para mapasakin ka?

Matagal mo na bang hinihintay si ‘success’ pero di pa rin dumadating? Bakit yung mga tao sa paligid mo nakamit na ang tagumpay, ikaw nga-nga pa rin? Bakit sila naabot na ang #CareerGoals nila pero ikaw, hanggang #SanaAll pa rin?

Ikaw ba ay nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin siya dumarating sa buhay mo? 
Marahil ang iba sa atin ay pagod na sa kakahintay sa inaasam-asam nating tagumpay. Pero ang tanong ko sa iyo, ano ang ginagawa mo habang naghihintay? Naghihintay ka lang ba talaga? O are you making efforts at the moment?

Masarap at libre ang mangarap, pero kailangan din nating gumising at gumawa na paraan. Hindi pwedeng nakahiga lang tayo sa ilalim ng puno ng bayabas at naka-ngangang naghihintay na malaglag ang bunga sa ating bibig. Bumangon ka, kumuha ng panungkit at sungkitin ang bunga! O kung walang panungkit, hubarin mo ang tsinelas mo at ito ay ipukol o akyatin mo ang puno.

Kung walang action, walang mangyayari! There is no easy way to success!

Tanungin natin ang ating sarili, bakit wala pa rin nangyayari?

Ginawa ko ang lahat pero wala pa rin!

Kung nagawa mo na ang lahat at wala pa ring nangyayari, you’ve got to ask yourself “Tama ba ang ginagawa ko?” Hindi lang sa sipag at tiyaga ‘yan nakukuha, dapat tama rin yung diskarte mo. Kung mali ang diskarte mo, mali pa rin ito. Wrong input is equivalent to wrong output.

Di kasi ako consistent

Kung magaling ka lang sa umpisa at hindi mo tinatapos, wala talagang mangyayari. Ang excitement ay maganda lang sa simula, pero hindi ka nito pwedeng dalhin sa finish line. Ang magdadala sa atin sa finish line ay consistency, discipline at determination.

Di ko alam kung ano ang gagawin ko

Kung hindi mo alam, eh di mag-aral. Mag-aral muli para matuto at i-practice ang natutunan mo. Practice makes perfect, ika nga. Huwag kang magmadali. Hindi karera ang learning, practice, at mastering. Isa pa na pamamaraan ay ang magtanong. Wala naman mawawala kung ikaw ay magtatanong. Ang mababawasan lang siguro sa iyo ay pride. Surround yourself with good and positive people na makakatulong sa iyo sa iyong craft.

Takot kasi ako mag-umpisa

Walang mangyayari kung ikaw ay nabubuhay sa takot. Lahat naman tayo ay takot sa umpisa dahil hindi natin alam kung ano ang ating ginagawa. Pero kung matutunan mo na ito, bibilis ka, masasanay ka na at hindi ka na matatakot.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ba sa mga dahilan na nabanggit ang pumipigil sa iyo upang makamit mo ang iyong tagumpay?

– Ginawa ko ang lahat pero wala pa rin

– Di kasi ako consistent

– Di ko alam kung ano ang gagawin ko

– Takot kasi ako mag-umpisa

Ano ang plano mong gawin?

If you want to see your dreams become a reality, I suggest you watch my videos over at my YouTube Channel “Chink Positive.”

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.