A new visual series by Seafarer Asia, Kumusta, Kabaro? Kumusta, Kaibigan? gives viewers gritty glimpses into the lives of Filipino seafarers and their kin. True tales of love, pride, sacrifice, failure and success weave a living tapestry and an oral history of life at sea. The subjects are given free rein on what to share and how they wish to be photographed. The series is inspired by the popular photoblog, Humans of New York.

Rex Despaviladeras, 69, Second Mate

“Late na ako nagstart sa seafaring career ko – dahil marami akong pinagdaanan bago pa man ako nag-umpisa.

Mahilig talaga ako sa barko at una akong nag-apply sa Philippine Navy nung dekada sitenta. Kasagsagan ng Martial Law. Pagdating namin sa Sangley Point, 37 ang binukod samin para sa ‘special’ training. Akala ko magiging naval officer na kami agad … yun pala, pamalit kami sa mga namatay na Marines sa Mindanao!

Limang taon akong nakipagsagupaan sa mga Moro at rebelde sa mga kilalang site tulad ng Sibalo Hill. Buti nalang swerte ako. Walang tama. Pero maraming Marines ang di na nakauwi.

Pagkatapos ng serbisyo ko bilang isang Marine sa Mindanao, na-assign na ako sa Maynila at naka-akyat na ako ng barko bilang parte ng Philippine Coast Guard. Kahit masaya ang trabaho, apat ang anak at rentado lang ang bahay namin ni misis. Medyo kinakapos.

Nag-usap kami ni misis: magbago kaya ako ng trabaho? Mahirap man, mas gaganda ang buhay natin.

Kaya back to zero at late nako nag-umpisa bilang seaman. Mahigit trentang taon na akong seaman at kahit second mate lang ako dito sa T/S Kapitan Felix Oca, masaya na ako. Kasi lahat ng anak namin ni misis ay graduate na. May bahay at may sariling mga anak na. Para sa kanilang lahat, kapitan na rin ako.”

Share this post

Gregg Yan

Gregg Yan is an award-winning writer and photographer who covers marginalized groups and environmental conservation issues. His work has been featured by National Geographic, Discovery Channel, CNN plus over a dozen books – including Into the Wild, his first coffee table book. He also has a monthly magazine column on wildlife.