Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Jason Leung on Unsplash

Kumusta ka?

Kalahati pa lang ng January 2020 pero sinusubok na agad tayo. Kamakailan lang, ang matagal na nanahimik na Bulkang Taal ay bigla na lamang nagparamdam. Kumalat ang ash fall nito mula Batangas hanggang sa mga probinsya sa Norte. Sinira ng pagsabog ng bulkan ang milyon-milyong halaga ng ari-arian. Nagsilikas ang libong Batangueño. Maraming nawala at nasira — kabahayan at kabuhayan.

Sa mga ganitong klaseng panahon, dapat lang na tayo ay handa. Dapat alam natin ang gagawin, ang mga dadalhin at kung saan tutungo. But most importantly, we must be financially prepared. You can be financially ready in times of disaster through setting up your Calamity Fund.

PAANO BUUIN ANG CALAMITY FUND?

 Kwentahin kung magkano ang iyong kakailanganin.

Hindi naman sa inaasahan mo ang kalamidad, pero sa tuwing ikaw ay magkekwenta para sa iyong calamity fund, parating isipin ang worst-case scenario. Kapag nawalan ka ng bahay, ng kabuhayan, o kahit ng mahal sa buhay, sa tingin mo magkano aabutin ang lahat? Magkano ang iyong kakailanganin?

Isaisip mo rin na may mga sakunang umaabot ng matagal na panahon. Halimbawa na lang itong pagsabog ng Taal na inaasahang aabot ng 6 na buwan. Kaya mas mabuti kung ang fund mo ay kayang tumagal ng at least 6 na buwan.

Ilagay ang pera sa safe at accessible na lugar.

Maaaring isipin mo na ang bahay mo ang pinaka-safe at pinaka-accessible na lugar kaya magtatago ka ng cash sa aparador mo. God forbid, pero what if manakawan kayo? Magkasunog? Bagyuhin ang iyong bahay? Kasabay ng pagguho ng bahay mo ang pagkawala ng pera mo. Kaya humanap ka ng lugar kung saan magiging insured ang pera mo at madali rin itong makuha sa oras ng pangangailangan.

Dapat liquid ang iyong calamity fund, meaning you can access it anytime. Maaaring ilagay mo ang iyong pera sa isang savings account sa bangko. Maaari ka ring magtanong sa iyong bangko kung ano pa ang iyong option about your calamity fund.

Buuin ang iyong pondo.

Hindi ka umaasang magkaroon ng kalamidad sa buhay mo. Mag-iipon ka dahil iniisip mo lamang ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya. Kaya every month or every pay day, maglaan ka ng porsyento ng kita mo para sa iyong calamity fund.

Dito rin masusukat ang kakayahan mong magbigay prayoridad. Kung para sa iyo ay importante na maging handa sa kung anuman ang ibato ng buhay, magtitipid ka at pipiliing mag-ipon.

Ang calamity fund ang magpo-protekta sa iyo at sa pamilya mo sa oras ng sakuna. ‘Di natin alam ang mangyayari sa hinaharap kaya mas mabuti nang maging laging handa. Ngayon, ang ating mga kababayan ay naapektuhan ng matinding sakuna dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal. Tulungan natin silang magsimula muli.

Get the Piso Planner Kit with P60k Ipon Challenge guide sa halagang P499 at magkakaroon ka na ng kopya ng Diary of a Pulubi at My Ipon Diary for FREE! For every purchase ng Piso Planner Kit, magdodonate kami ng 1 pair of slippers sa mga nasalanta ng Taal Volcano calamity. Ang #TaalRelief promo na ito ay valid hanggang January 26. Bisitahin ang www.chinkshop.com para sa iba pang detalye.

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Mayroon ka na bang calamity fund?
  2. Nagkaroon na ba ng emergency sa buhay mo na hindi handa ang iyong pinansyal? Paano ang ginawa mo?
  3. Magkano ang iyong itatabi kada buwan para sa iyong calamity fund?
Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.