Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Caroline Selfors on Unsplash

Nasubukuan mo nang tumakbo na may dala? Ang hirap no?

Makakarating ka nga sa paroroonan mo, pero sobrang bagal at pagod na pagod ka.

Ganyan din sa buhay. Yung kahit anong effort mo, kahit anong pag-move on at pagkalimot mo, kapag may hindi ka binitawang bagahe sa buhay, meron at meron pa ring pipigil sa pag-asenso mo. Sa pagsisimula ng 2020, ito ang ilan sa mga excess baggage na kailangan na nating bitawan at magba-bye para makausad sa buhay.

Ba-bye sa sobrang social media

          Wow! May bago na silang bahay!

          Wow! Kinasal na sila!

          Wow! Nakapag-Europe Tour sila.

Ikaw na nagso-scroll ng feed mo ay biglang napatanong, “Anong ginagawa ko sa buhay ko?” Maraming tao ang nagiging malungkot dahil kinukumpara nila ang kanilang buhay sa nakikita nila sa social media. Feeling tuloy nila ay walang kwenta ang kanilang buhay. Paano ba ang healthy attitude sa ganitong sitwasyon?

Be grateful. Your life is different from others’. Their season is not your season. Ang nakikita mo lang ay yung masasayang parte ng buhay nila. Hindi mo nakita ang mga pinagdaaanan nila. So, look for the things in your life that you can be grateful for. Pamilya? Kaibigan? Trabaho? Good health? Kung titignan mo ang buhay with a grateful heart, maiiba ang tingin mo sa katayuan mo ngayon. You will have joy despite all the challenges that life throws at you. 

Be motivated. You feel miserable while you scroll down your feed because you look at their milestone using the eye of envy. However, you can turn that envy to motivation. Kaysa ma-bitter ka sa narating nila, gawin mo silang motibasyon para mas lalong magtrabaho nang maigi. Gawin mong inspirasyon ang narating ng iba para mas lalong magpursige sa buhay.

Ba-bye sa bitterness

Alam mo bang walang epek ang iyong kinikimkim na galit sa taong hindi mo mapatawad? Ang totoong biktima ng bitterness ay ikaw dahil ikaw ang parating galit, heartbroken, at minsan may literal na nararamdamang heartbreak – literal na sumisikip ang dibdib.

Ang bagong taon ay magandang oras para magpatawad. Forgive and forget. “Madali lang sabihin ‘yan, Chinkee.” Totoo, pero halimbawa, inutangan ka ng BFF mo ng 5,000. Nang sinisingil mo na ay bigla kang blinock sa lahat ng social media accounts niya. Hindi mo mahagilap ang BFF mo na ngayon ay ex-BFF mo na. May choice ka ngayon na patawarin siya o forever mo na rin siyang iba-block sa buhay mo.

You can always look at the brighter side that your BFF did not get all your life savings. For sure, kayang-kaya mong kitain ulit ang limang libo na yun. Isipin mo na lang na lesson ito sa ‘yo sa next time na may nanghihiram sa ‘yo. Ang 5,000 na nawala sa ‘yo ay ang tuition fee mo sa isang napakaimportanteng leksyon ng buhay.

The choice is always yours – live in misery all your life or choose happiness by forgiving and letting go.

Ba-bye sa financial ignorance

Kamusta ang finances mo noong 2019? Paycheck to paycheck pa rin ba ang labanan bawat buwan? Ang lakas mo pa rin bang gumastos?

Take advantage of the new year; 2020 is a chance to be better at managing finances. Promise yourself that you will say goodbye to financial ignorance and you will say hello to financial literacy. Kailangan mo nang disiplinahin ang sarili mo para makaalis ka na sa rat race – that desperate waiting for your paycheck and those endless debts! Kung magiging matalino ka sa pera, hindi ka na magtatrabaho para kumita ng pera. Ang pera na mismo ang magtatrabaho para sa ‘yo.

Para matulungan ka sa iyong financial literacy journey, gumawa ako ng mga resource materials na sobrang daling basahin pero siksik sa kaalaman. Pwede kang magsimula sa pagbabasa ng:

  • Secrets of the Rich and Successful
  • Rich God, Poor God
  • ‘Til Debt Do Us Part

Simulan nang mabuti ang 2020! Mamaalam ka na sa lahat ng bad vibes at sa mga bagay na pumipigil sa iyong pag-asenso. Let us all say hello to success this 2020!

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano-ano pa ang mga excess baggage na dapat mong bitawan at magba-bye ngayong 2020?
  2. Mayroon ka bang mga hindi pa pinapatawad na tao? Ano ang gagawin mo para mapatawad sila at para magkaroon ka ng kapayapaan sa puso?
  3. Maipapangako mo ba na sa sarili mo na magkakaroon ng disiplina sa pamamahala mo ng iyong pera?

 

You can grab our special promo! Chink+, Moneykit 2.0, 12 free books, and one Ipon Can all for the low price of Php 3,499 only. Hurry, head on to chinkshop.com!

 

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.