Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Ales Nesetril on Unsplash

Ano ang impresyon mo sa credit card—mabuti or masama?

Para sa akin, it can be both, depende ‘yan sa taong gumagamit.

Mabuti siya IF you can USE IT WISELY.

Paano mo malalaman if you are using it wisely?

Convenience

Kapag may kailangan kang bilhin na medyo mahal, card na lang ang bibitbitin mo at hindi mo na aalalahanin ang pagdadala ng madaming cash.

Hindi ka na din maghahagilap ng ATM para sa cash. And at the end of the month, you pay everything in full. Walang remaining balance.

Spread the cost

Marami ang nag-offer ng zero percent interest para sa ilang buwan.

Kung biglang bumigay na ang pinakamamahal mong electric fan at may sale na zero percent interest for three months for credit card payment, then having a card will be very helpful para makabili ka agad at hindi ka mag-suffer during summer.

Maliban dun ay meron ka pang makukuhang …

Rewards

Kapag ang pagbabayad mo is by using a credit card, makakaipon ka ng reward points na pwede mo magamit in exchange of something useful na available sa list ng bank.

Merong rewards na free meal sa isang restaurant, o kaya appliances at maging travel perks.

Pero kailangan pa din na i-take note ang unwise na paggamit ng credit card. Para din aware ka sa mga posibleng mangyari kapag hindi mo na-manage ng mabuti ang paggamit ng credit card.

Unwise ka if you …

Overuse it

Hindi kasi agad namamalayan yung gastos kaya may mga tao na napapasarap ang pagswa-swipe.

Kahit hindi naman talaga kailangan ay bibilhin pa din ang isang bagay by using credit card, kaya lumolobo ang bill.

May mga tao na hirap sila to have self-control pagdating sa paggastos and it’s recommended na mag cash na lang kung alam mo sa sarili mo na hirap ka sa aspetong ito.

Remember, huwag mong labanan ang tukso. Layuan mo na lang dahil madami na ang naging biktima niyan.

At yung mga nabiktima ng temptation pagdating sa paggastos, ang kinahihinatnan ay ang …

Bad debt

Okay lang ang gumamit ng credit card kung ikaw ay disiplinado.

Pero kung ito ang magiging mitsa patungo sa isang stressful life dahil sa pagkakalubog sa utang, then it is wiser kung hindi mo na ito gagawing parte ng iyong lifestyle.

At sa totoo lang, sobrang dami na ang nagkaroon ng bad debt dahil sa credit card. Nandun kasi yung pagkakataon na ikaw ay nakakabili ng hindi agad nararamdaman ang bigat ng gastos.

At the end of the day, ang pagiging mabuti o masama ng credit ay nasa tao at hindi yan dahil sa pagkakaroon ng credit card. Di ba may mga taong may utang din naman kahit walang credit card?

Kaya’t bago pa gamitin ang inyong credit card. It is time for us to…

THINK. REFLECT. APPLY.

Pinag-iisipan mo bang kumuha ng credit card?

Sa tingin mo ba ikaw ba at ang misis mo ay disciplined enough to manage your credit card expenses?

Do you think, ikaw ay magiging wise sa paggamit ng credit card?

If you want to get out of your current credit card debt, please watch this video https://bit.ly/2Ocju3E

 

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.