Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by freestocks.org on Unsplash

Meron ka bang kakilala na mahilig magpa-impress? Bibili ng 500 square-meter na house and lot, at ipo-post sa mga social networking sites ang bawat sulok ng napagawang bahay.

Hindi pa makuntento at bibili din ng madaming sasakyan na ubod ng mahal. Kahit hindi magagamit lahat, okay lang. Ang importante ay may nakaparada sa harap ng bahay.

Meron din mga babae halos na malubog sa pagkakautang, makumpleto lang ang bag at make-up set na kinokolekta.

Ok lang naman naman mag-post ng mga pinagpaguran mo, pero ang tanong, ano ang iyong motibo?

Kung may kakilala kayong mga taong ganito, at nagtataka kayo kung bakit sila ganito, ito ay isa siguro sa mga dahilan…

Insecurity

Ang gusto nilang pagtuunan ng pansin ay ang pag-gain ng approval from other people. Gusto maging ‘in’ sa circle of friends ng mayayaman.

Gusto mag pa-impress to look successful. Pero in reality, gipit na gipit at lubog naman talaga sa utang.

Marahil kaya ganito ang kanilang priority ay dahil sa kanilang …

Childhood

Napagkaitan ng karangyaan noong kabataan nila, kaya nung tumanda at nagkaroon ng means, hayan na,  nagpasikat na. Lahat na lang ng mabibili, bibilhin kahit hindi naman kailangan.

O kaya naman ay sinanay ng magulang na dapat bawat kilos ay para ma-impress sa mga kamag-anak. Ang resulta, nasa sistema na ang pagpapa-impress hanggang sa tumanda. At ang bawat sweldo ay nakalaan para ma-impress ang mga kaibigan at kamag-anak.

At dahil dito, ang mga taong mahilig mag pa-impress ay makakaranas ng …

Emotional instability

Kapag hindi nila na maimpress ang ibang tao, they get depressed. Then they will find other ways and try harder to please everybody. Madalas nauubos na ang sariling resources kaya manghihiram na ng pera basta

makapagpa-impress lang sa ibang tao.

Pero imposible na maging successful ka lagi sa pagpapa-impress, kasi you can never please everyone all the time. Mapapagod ka lang. Para kang tumatakbo sa treadmill na hindi tumitigil. Malamang ang maging ending

pa nyan ay malubog ka sa utang dahil magiging cycle na yan.

At ang kailangan mong gawin para iligtas ang sarili mo sa ganitong klaseng cycle ay …

Magpakatotoo ka

Kapag kasi busy ka sa pagpapa-impress, nawawala na yung totoo mong pagkatao. And ang mangyayari is posible na mabalewala mo na yung good values mo, like your integrity.

Huwag mong gawin na main goal ang ma impress ang ibang tao sa iyo. Hayaan mo na maging resulta ito nang pagiging honest mo as a person

Kung wala ka talagang pera para bumili ng bagong cellphone, huwag mo nang i-lead ang sarili mo sa pagkakautang para lang may maganda kang maipakita sa mga friends mo. aminin mo sa sarili mo na hindi mo pa kaya bumili ng bago at pagtiyagaan mo muna ang lumang cellphone mo.

Accept that you’re not perfect

Tao ka lang kaya may hangganan ang iyong kakayanan. Huwag mong ipagpilitan na kaya mong i-please ang lahat nang nasa paligid mo kasi hindi mangyayari yun.

Appreciate mo yung mga resources mo that will help you to have a better life. Hindi mo dapat hayaan na maubos ang pera mo para lang magpasikat, to the point na hindi mo na nami-meet ang basic needs mo.

At kapag pinahalagahan mo ang bawat pera na dumadating sayo, mas maraming bibilib sayo.

Mabuti na ang mapagkamalang mahirap pero may pera kaysa magpanggap na mayaman pero broke naman!

THINK. REFLECT. APPLY.

Lifestyle check po tayo, mahilig din ba tayong magpa-impress?

If yes, napapagod ka na ba mag-effort to impress other people?

Ano ang natutunan mo sa article na ito?

To learn more on how to handle your finance. Please join me at my YouTube CHINK POSITIVE account for FREE.

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.