Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Precondo CA on Unsplash

Kamusta na mga kapatid nating mga Seafarers? Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang pagkakaiba ng investment sa expense. 

Umpisahan natin sa pamamagitan ng isang tanong. Bahay at lupa—investment or expense? Walang tama o maling sagot. Kung ano ang una mong sagot yan ang gamitin natin. Pero bago natin pag usapan ang tamang sagot, kailangan muna natin maunawaan ano ang ibig sabihin ng investment.

Palagi kong pinapaalala na dapat tayong magtipid, at bawasan gumastos ng hindi kinakailangan. Ngunit may mga pagkakataon na ang paggastos sa isang bagay ay nakakatulong na lalong magka-pera.

Wow! Really!? Naku, tiyak na magugustuhan ng misis mo ito! Hahahaha! Paano kamo? 

Ang dapat nating paggagastusan ay iyong mga tinatawag na INVESTMENTS.  Ito ang mga bagay na tumataas ang halaga o tumutubo over time, o ‘di kaya’y nagpro-produce ng cash flow or income. 

Sa kabilang dako naman ay ang mga EXPENSES, mga bagay na nagpapanipis ng ating wallet. At ang bagay na iyong binibili ay lumiliit ang halaga, at hindi ka kikita.

Ang bahay at lupa na pwede mong paupahan o ibenta ay isang INVESTMENT na pwedeng kumita ng rental income, o kaya’y kung maibebenta ito ng mas mataas  kaysa sa nabili natin. 

Ngunit kung ang layunin natin sa bahay ay tirahan lang, ito ay magiging EXPENSE dahil wala na nga tayong income na nakukuha galing dito, meron pa tayong binabayarang expenses tulad ng amilyar, utilities, at iba pa. 

Hindi naman natin sinasabi na huwag bumili ng sariling bahay para tirahan, ngunit pag-aralan po muna natin ang ating financial situation, kung afford ba talaga natin ito (lalo na’t kung may sarili na tayong bahay ngayon). Kung bibili man tayo, ang objective dapat natin ay kung paano tayo kikita dito. 

Ang sasakyan ay madalas ituring na EXPENSE dahil nagde-depreciate ito habang tumatagal. Ngunit kung pinapa-rentahan natin ito at kumikita tayo sa efforts ng ibang tao, at yung kinikita natin ay mas malaki sa cost ng depreciation at maintenance, maituturing din nating INVESTMENT ang sasakyan. 

Ang iyong negosyo ay isa ring INVESTMENT kung kumikita ka dito. Kasama na rin ang system o process nito, ang mga inventory, at mga taong nagpapa-andar nito tulad ng employees, suppliers, at customers. 

Ang mga taong ito ay maituturing na INVESTMENT; kung wala sila ay hindi tatakbo ang negosyo natin. Kung kaya’t dapat nating matutunan kung paano mag-build ng relationship sa kapwa. Hindi lamang ang negosyo natin ang magkaka-benefit dito. Kahit sa personal na buhay ay kailangan natin ng ibang tao dahil “no man is an island”. Merong mga skills or talents ang bawat isa sa atin na kayang tugunan ang pangangailangan ng mga tao, kung kaya’t malaking advantage ang pagkakaroon ng network or team na may tiwala at handang tumulong sa atin. 

Ang mga libro ba ay maituturing na INVESTMENT? Indirectly, yes! Dahil sa libro, puwede nating matutunan ang mga bagay na lalong magpapayaman sa atin, kung ia-apply natin ang ating mga natutunan. Aside from books, other learning materials like audios, videos, and seminars can help us in our financial journey. Dahil sa mga ito, nade-develop natin ang pinaka-importanteng INVESTMENT sa lahat – ang ating mga sarili! Kasabay ng pag-angat ng ating mindset, skills, and knowledge ay ang pag-increase rin ng ating value sa mata ng publiko.

Meron ka pa bang alam na ibang uri ng INVESTMENT? I would love to hear your comments below.

THINK. REFLECT. APPLY.

– Ano sa mga pag-aari mo ang maituturing mong assets, at ano ang mga liabilities? 

– Ano ang plano mo para makabili o makakuha ng mas maraming assets, at mabawasan ang iyong liabilities? 

– Anong mga educational materials ang makatutulong sa iyo sa pag-unlad?

Gusto mo bang matuto kung paano magdami at magpalago ng pera? If you want to learn kung paano mag invest sa stock market, mutual fund, UITF or real estate,then good news! Join “HOW TO RETIRE AT 50.” Ito ay isang online course  na  ako mismo  ang gagabay sa inyo kung paano kumita through the right investment. To know more, please go to chinktv.com

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.