A new visual series by Seafarer Asia, Kumusta, Kabaro? Kumusta, Kaibigan? gives viewers gritty glimpses into the lives of Filipino seafarers and their kin. True tales of love, pride, sacrifice, failure and success weave a living tapestry and an oral history of life at sea. The subjects are given free rein on what to share and how they wish to be photographed. The series is inspired by the popular photoblog, Humans of New York.

Galicalo Magsayo, 58

Noong mga una kong sakay, okay pa kami ng misis ko. Sweldo ko dati mga USD 600 at halos USD 500 nun diretso sa kanya napupunta. Pero mahilig siya magparty, videoke at mag-inuman.

Nung pang-apat kong sakay, parang nag-iba na ang ihip ng panahon. Biglang kulang na raw yung pinapadala ko. Imposible yun kasi naka-budget yon at maliliit pa ang anak namin!    

Laking gulat ko matapos ang 11 buwan sa dagat nang wala nang laman ang bank account niya! Di ko alam kung papaano naubos.  

Pero may nagkwento sa akin na nakahanap raw siya ng ibang lalaki. Electrician sa isang kalapit na barangay. Yung pinaghirapang pera ko pa ang ginamit sa kanilang pagtatalik.  

Pinatawag ko yung mga kapatid niya at pina-amin ko siya sa harap nilang lahat. Mababait ang mga kapatid niya sa akin sapagkat tinutulungan ko rin sila. 

Hindi ako makapaniwalang ginawa niya sa akin yun. Pinalayas ko siya. Pero na-accept ko na at nag move on na ako. Sana lang hindi siya nangaliwa para hindi naging kumplikado ang sitwasyon ng mga anak namin. Sila ang kawawa.  

Sa awa ng Diyos ay nakahanap naman ako ng ibang magmamahal sa akin. Pero hindi ko siya mapakasalan sapagkat mahirap ang annulment dito sa Pilipinas. Pero okay lang. Ang importante ay may mag-aaruga sa akin pagtanda ko.”

Share this post

Gregg Yan

Gregg Yan is an award-winning writer and photographer who covers marginalized groups and environmental conservation issues. His work has been featured by National Geographic, Discovery Channel, CNN plus over a dozen books – including Into the Wild, his first coffee table book. He also has a monthly magazine column on wildlife.