Mas pormal tingnan ang dark colors (at hindi halata ang pawis!), kaya kung sakali diretso ka sa job interview, handa ka na. 

On Edward: Polo shirt, GUESS; cap, stylist’s own; jeans, backpack, and shoes, model’s own

Narinig na natin ang mga kwentong Kalaw, at madami na rin ang nakaranas ng pakikipagasapalaran sa Kalaw. Kadalasan mainit ang panahon, at kahit buong araw ka nang nandoon, bigo pa rin pag-uwi.

Pero siyempre, kailangan magtiyaga. Hindi maiiwasan ang mga pagsubok sa paghanap ng trabaho, mapa-Kalaw man o sa ibang lugar. Paano mapapagaan ang iyong Kalaw experience? Heto ang ilang tips galling sa ating business etiquette expert na si Lilet La Vina.

 

Ano ang kailangang gawin bago pumuntang Kalaw?

  • Ihanda ang sarili—hindi lang physically (bawal ang may sakit!), pero mentally at emotionally rin. Malamang mahaba ang pila, at sangdamakmak ang mga kabaro. Pag handa ka, mas may baon kang pasensya at hindi basta-basta iinit ang ulo mo.
  • Gumawa ka ng listahan ng lahat ng dadalhin mo. Huwag kalimutan ang mga importanteng dokumento at certificates. Gumawa ka din ng listahan ng anong una mong gagawin pagdating sa Kalaw—saan ka unang pupunta, at anong kailangan mo?
  • Maghanda rin ng tubig, biskwit, at fully charged na cellphone, powerbank at ballpen. Ilagay ang mga baong papeles sa isang envelope para maayos ang lahat ng mga ito at madaling mahanap.
  • Last, but not least – palakasin ang loob sa pagdarasal bago pa umalis ng bahay.

Anong kailangang gawin sa Kalaw?

  • Give out positive energy by smiling – pag nakasimangot, baka kasi pati yung recruiter ay masimangutan mo.
  • Maghanap ng kapwa mong applicant na nakangiti at subukan mong kausapin. Mas mabilis tatakbo ang oras at hindi masyadong magiging boring kung may kausap ka.
  • Talk about positive things – Huwag puro angal, at huwag magkwento ng mga hindi magagandang bagay tungkol sa mga kompanya. Huwag ding magyabang sa dating experience kung hindi ka naman tinatanong.
  • Huwag madamot sa ballpen – ipahiram mo kung kailangan (siguraduhin mo lang na mabalik sa iyo)
  • Kung kailangan makipag-usap sa cellphone – hinaan ang boses dahil hindi naman kailangan malaman ng lahat ng tao kung ano ang nangyari sa iyo kagabi at anong oras ka uuwi mamaya.
  • Makinig ng mabuti sa mga recruiter, interviewer, at mga taong galing sa kompanya kung saan ka naga-apply. Sundin ang instructions nila.
  • Iwasan manigarilyo habang nakapila (labag na sa batas ito!)
  • Huwag magtapon ng basura kung saan-saan lang. Ibulsa o ilagay mo muna sa bag ang kailangan mong itapon.
  • Pag kailangan mong magpunta sa CR – makiusap sa taong katabi kung pwedeng i-save ang puwesto mo sa linya. Pagkagaling sa CR, huwag kalimutang maghugas ng kamay.
  • Takpan ang bibig at ilong kung mauubo o mapapahatsing. Huwag magkalat ang germs sa mga katabi.
  • Magtanong nang magalang sa mga recruiter, security guard or tao sa pintuan/entrance kung hindi ka sigurado sa iyong gagawin. Huwag ka nang mahiya magtanong; mas OK yun kaysa magsayang ng oras.
  • Mag thank you sa sinumang nakatulong sa iyo.
  • Huwag sumingit sa linya! Be considerate sa mga taong mas matagal nang naghihintay kaysa sa iyo. Iyan ang madalas na pinagmumulan ng away.

Any fashion tips?

Heto ang payo ng stylist na si Camille Santiago:

  • Malamang mainit sa Kalaw, kaya magsuot ng komportable na damit. Pero para presentable ka, mag-suot ng shirt na may kuwelyo.
  • Praktikal ang backback—kasya ang lahat ng gamit at papeles mo, at hindi mababanat ang isang balikat mo. Mamili ng dark-colored backpack, at mas pormal ang design.
  • Huwag kalimutan ang mga accessories gaya ng cap at sunglasses—hindi lang pang-porma, pero pang proteksyon din sa sikat ng araw.

Stay positive, look good, gain more confidence! 

On Josh: Polo shirt and jeans, GUESS; sneakers, model’s own; backpack, adidas; cap, stylist’s own

Ang Etiquette + Style: Ano ang Dapat Gawin at Isuot Pag… ay ang bagong serye ng Seafarer Asia. Abangan ang mga susunod! 

Models

Edward Nantes, OIC | Vlogger, Byahe ni Edward

Josh Draper Villanueva, OIC | Vlogger, Joshnosebest

Photographer 

Harvey Tapan | Third Eye Visual Creative Services

Stylist

Camille Santiago

Makeup Artist

Tanxia Sta. Cruz Espresion

Project Coordinator

Bien Carlo Galapon

Etiquette Experts

Tessa Vergara-Yuvienco and Lilet La Vina | G.O.L.D. Foundation (Gregorio Oca Leadership & Development)

Shot on location on board the T/S Felix Oca and at the Sampaguita Lounge, The Gregorian.

Rheea Hermoso-Prudente

Rheea loves words, food, books, travel,  paper, and water in any form (though not necessarily in that order). She recently moved up to the foggy mountains of Baguio with her husband, two daughters, and portly cat. She homeschools her kids, and dreams of making a go at homesteading.