Instead of jeans, subukan magsuot ng chinos–hindi  kasing pormal ng dress pants, pero mas maporma kaysa sa jeans. Stylish pa!

On Josh: Polo shirt,  Regatta; chinos, Uniqlo; shoes, model’s own

Ayan na, kabaro. Sa wakas, makaka-shore leave ka na! Makakagala ka na sa ibang bansa. Pero bago planuhin ang mga selfie para sa Instagram mo, o bago ilista lahat ng bibilhan mo ng pasalubong, maging pamilyar muna sa ilang etiquette tips.

Bakit pa ba kailangan na matuto ang mga ito? Dahil pag punta mo sa ibang bansa, para ka na ring ambassador ng kompanya mo, at ng ating inang bayan. Siyempre, gusto natin na good impression ang maiwan natin sa ibang bansa.

Ano ang kailangang gawin?

Heto muna ang ilang etiquette tips galing sa ating expert, Tessa Yuvienco:

  • Mag-research tungkol sa kultura. Alamin ang mga kaugalian, mga batas, at ang mga OK gawin at ang hindi OK. Sa ibang bansa, halimbawa, gaya sa Middle East, hindi ginagamit ang kaliwang kamay para bumati, o kahit kumain. Kaya para sigurado, kanan kamay ang gamitin mo sa pagbati, pagkain, o kahit ibang transaksyon gaya ng pagbigay ng pera. Sa Italy naman, insulto pag ginawa mo ang ‘thumbs up.’
  • Tandaan na iba ang kultura natin, at respetuhin natin ang kultura ng ibang bansa. Pag may nakita ka na iba sa nakasanayan natin, o nakakaiba, gaya ng sobrang maiksing damit, o pagiging masyadong ‘sweet’ ng mag-boyfriend kahit na nakapila sa tren! Iwasan ang ang pagtitig, at huwag mo nang kunan ng picture. Huwag na ring maging usisero.
  • Mag-practice ng mga mahalagang sasabihin. Kahit maraming marunong mag-English sa ibang bansa, marami rin na sariling linguahe lang ang alam (o ayaw nila gumamit ng English). At kadalasan, natutuwa ang mga locals pag nakikita nilang may effort kang makipagsalita sa linguahe nila. Ilan sa mga importanteng malaman ay: hello, goodbye, thank you, nasaan ang…, hindi ko naiintindihan, magkano, excuse me, sorry, please, oo, hindi. At ito ang importanteng tandaan: ang salitang “CR” o “comfort room” ay di ginagamit sa ibang bansa. Gamitin ang “toilet” o “lavatory.”
  • Maging in sa balita. Alamin ang local news bago bumaba ng barko—anong panahon, kung may mga kaganapan na mapanganib, o kung may holiday.
  • Alamin ang tungkol sa iyong pupuntahan. Limitado lang ang oras mo pag naka shore leave ka. Siguraduhin na makakabalik ka on time galing kung saan mo balak pumunta. Kung magiikot ka mag-isa, alamin rin anong bus, train, o ibang sasakyan papunta doon, magkano kailangang bayaran, at iba pang mga logistics.
  • Alamin ang mga importanteng contacts gaya ng Philippine Embassy (kung meron), ang mga local na seafarer centers, kompanya mo, etc. Magtago ng kopya ng address at phone number ng mga ito. Kung meron ka ring kilala na mga kapwa Pinoy sa bansa na pupuntahan mo, kunin mo na rin ang contact details nila.
  • Gamitin ang technology. Madaming mga apps na OK gamitin: Google Translator, Google Maps, Weather, currency exchange, budget tracker, etc.
  • Mag-ingat! Huwag basta-bastang sumama sa di kilala, at mag-isip nang mabuti bago pumunta sa mga lugar na di mo alam.

Mainam na laging may jacket gaya nitong parka–manipis, magaan, at madaling bitbitin. Kung malamig, pwede magsuot ng layers sa ilalim. 

On Edward: Polo shirt, Regatta; jacket, Forever 21; pants, Mango; shoes, model’s own

Any fashion tips?

  • Magbihis ayon sa panahon at sa mga pupuntahan. Siyempre, hindi ka naman magsho-shorts pag winter! May ibang bansa rin na bawal ang shorts sa mga templo nila, kaya kung may balak kang dalawin ang mga ito, magsuot ng tamang damit.
  • Mag-invest sa chinos. Ang pantalon na chinos ay pwedeng pang medyo pormal na occasion, at pwede ring pang gimmick, kaya mabuti na meron ka nito—all-around pants! Stylish pa ang chinos.
  • Comfortable shoes! Malamang maglalakad ka buong araw, kaya magsuot ng sapatos na komportable.
  • Magdala ng jacket. Kahit na hindi winter, mabuti nang merong light jacket in case na umulan, o biglang lumamig.

Ayan, mga kabaro. Mag-enjoy sa inyong shore leave. Tandaan, nasaan ka man, laging maging considerate sa ibang tao, magpakita ng respeto, and smile!

Ang Etiquette + Style: Ano ang Dapat Gawin at Isuot Pag… ay ang bagong serye ng Seafarer Asia. Abangan ang mga susunod! 

Models

Edward Nantes, OIC | Vlogger, Byahe ni Edward

Josh Draper Villanueva, OIC | Vlogger, Joshnosebest

Photographer 

Harvey Tapan | Third Eye Visual Creative Services

Stylist

Camille Santiago

Makeup Artist

Tanxia Sta. Cruz Espresion

Project Coordinator

Bien Carlo Galapon

Etiquette Experts

Tessa Vergara-Yuvienco and Lilet La Vina | G.O.L.D. Foundation (Gregorio Oca Leadership & Development)

Shot on location on board the T/S Felix Oca and at the Sampaguita Lounge, The Gregorian.

Rheea Hermoso-Prudente

Rheea loves words, food, books, travel,  paper, and water in any form (though not necessarily in that order). She recently moved up to the foggy mountains of Baguio with her husband, two daughters, and portly cat. She homeschools her kids, and dreams of making a go at homesteading.