Siguraduhing malinis at hundi lukot ang damit mo. Wag mamili ng sobrang sikip o sobrang maluwang ang fit sa iyo. 

On Josh: Polo, GUESS; trousers, Forever 21; shoes, model’s own

Bakit nga ba kailangang pagkaabalahan ang itsura, kilos, at salita natin? Hindi ba ang sabi nila, “Be yourself” at “magpakatotoo ka.” Pero sa totoo lang, maju-judge ka talaga, sa unang tingin pa lang. In fact, in seven seconds lang may solid first impression na ang mga tao sa ‘yo. Paano na kung pangit ang dating mo dahil lukot ang damit mo, o kaya’y may dumi sa kuko mo?

Sabi ng mga business etiquette experts na sina Tessa Vergara-Yuvienco at Lilet La Vina, “Dress up the way you want to be treated. This is what we tell our participants in our Personality Development program. When you present yourselves, especially when you are applying for a job, the way you dress, carry yourself,  interact, could make or break an initial interview.” Kung kagalang-galang ang pagprisinta mo sa iyong sarili, magalang din ang pagtrato sa ‘yo.

Ano nga ba ang dapat gawin sa isang job interview?

Heto ang ilang tips mula kina Tessa Vergara-Yuvienco at Lilet La Vina:

  • Mag-research tungkol sa kompanya kung saan ka naga-apply. Alamin kung ano ang kanilang negosyo, at kung anong klase ang mga barko nila, at kung saan pumupunta. Alamin ang mga values, mission, at vision ng kompanya. Kadalasan, mahahanap ang impormasyon na ito sa mga company website nila.
  • Alamin ang job description. Ano ang magiging responsibilidad mo? Anong skills o kakayahan ang kailangan mo para magawa mo ang trabaho nang maayos? Kung alam mo ang job description at skills na kailangan sa trabaho, pwede mong paghandaan ang mga sasabihin mo. Maipapakita mo na kaya mo ang trabaho, na sa iyo ang skills na kailangan, at ikaw ang man for the job.
  • Be early. Kailangan 30 minutes to one hour bago ang interview schedule mo ay nandoon ka na sa interview venue. Hindi pwedeng idahilan ang traffic! Kung maaga ka, may time ka magpatuyo ng pawis, mag-ayos ng damit at gamit, magsuklay at maghugas ng kamay, at kung ano pa ang kailangang gawin bago ang interview.
  • Be consistent. Be friendly. Be kind. Ngumiti ka na sincere. Maging magalang sa lahat ng tao, pati kina Kuya Guard, sa receptionist, at sa ibang mga aplikante.

At ano dapat ang isuot?

Heto naman ang mga fashion and style tips galing kay Camille Santiago, Style Editor ng ABS-CBN Lifestyle:

  • Manamit ng naayon. Kadalasan, ang long sleeves na may kwelyo at dark slacks ay maituturing angkop na business attire. Hindi kailangan na branded o bago ang mga damit mo. Ang importante ay mukhang malinis, hindi lukot, at walang punit ang suot mo.
  • Importante ang grooming. Siguraduhing malinis ang katawan at nakasuklay nang maayos ang buhok mo. Kadalasan, mas malinis tingnan ang naka-ahit. Kung ikaw ay may bigote o balbas, siguraduhing malinis itong tingnan.
  • Clean and polish your shoes. Hindi rin kailangan branded o bago ang sapatos mo, kailangan lang malinis ito at makintab.

Hindi naman kailangan na pag business interview, boring ang suot. Kahit dark-colored ang polo mo, pwede naman mamili ng may print–basta wag lang yung sobrang matingkad. 

On Edward: Polo, GUESS; trousers, Forever 21

Ang Etiquette + Style: Ano ang Dapat Gawin at Isuot Pag… ay ang bagong serye ng Seafarer Asia. Abangan ang mga susunod! 

Gusto ninyong makita ang behind-the-scenes? Panoorin ang video dito

Models

Edward Nantes, OIC | Vlogger, Byahe ni Edward

Josh Draper Villanueva, OIC | Vlogger, Joshnosebest

Photographer/Videographer

Harvey Tapan | Third Eye Visual Creative Services

Stylist

Camille Santiago

Makeup Artist

Tanxia Sta. Cruz Espresion

Project Coordinator

Bien Carlo Galapon

Business Etiquette Experts

Tessa Vergara-Yuvienco and Lilet La Vina | G.O.L.D. Foundation (Gregorio Oca Leadership & Development)

Shot on location on board the T/S Felix Oca and at the Sampaguita Lounge, The Gregorian.

Rheea Hermoso-Prudente

Rheea loves words, food, books, travel,  paper, and water in any form (though not necessarily in that order). She recently moved up to the foggy mountains of Baguio with her husband, two daughters, and portly cat. She homeschools her kids, and dreams of making a go at homesteading.