Kahit uso ang animal print, wag maging zoo! Pumili lang ng isang animal print na damit at ang ibang suot mo naman ay plain or neutral. 

On Edward: Leopard print polo and faux leather jacket, Forever 21

Siyempre hindi lang dapat all work and no play ang mga seaman. Pag nasa lupa, dapat mgahanap ng panahon para ma-develop ang relationships with others. Kasama na dito ang pag-date. Kilig, diba?

Gaya ng job interview, nakakakaba rin ang pag-date. Kailangan din paghandaan at pag-planuhan. Siyempre, gusto mong mag-iwan ng good impression sa date mo. At siyempre, dapat fun ang date habang nakikilala ninyo ang isa’t isa.

Anong kailangang gawin?

Eto ang mga tips galing sa ating etiquette expert, Lilet La Vina:

  • Look and smell good. Parang job interview din yan. Manamit ng naaayon sa klaseng date at sa pupuntahan ninyo. Presentable but comfortable—yan ang dapat mong suotin.
  • Mag-budget. Hindi naman kailangang sa sobrang sosyal o mahal na lugar kayo pumunta. Baka makita pa ng date mo na ninenerbyos ka dahil di mo alam kung kasya ang pera mong pambayad! Kaya set a reasonable budget, at maghanap ng lugar o activity na kasya sa budget. Hindi kailangan mabutas ang bulsa para mag-enjoy.
  • Mag-research. Parang job interview talaga ang dating! Alamin, kung posible, anong mga type gawin o kainin ng date mo. Alamin din kung hanggang anong oras siya pwedeng nasa labas, para siguradong makakauwi siya on time (good impression din yan sa pamilya ng date mo!). Pagusapan na rin kung saan mo siya susunduin, o kung saan kayo magkikita. At wag na wag ma-late!
  • Be a good conversationalist. Hindi ikaw lang laging nagsasalita, o kaya wala kang masabi. Masaya ang usapan kapag take turns kayo magsalita at makinig. Make sure din na may eye contact kayo, para ma-feel ng date mo na interesado ka sa sinasabi niya. At siyempre, smile!
  • Table manners please. Wag magmadaling kumain. Wag magsalita habang ngumunguya or habang may pagkain pa sa bibig. Wag dumighay. Gamitin ang tamang kubyertos. Gamitin ang table napkin para punasan ang bibig mo. Lahat ng sinasabi ng nanay mo tungkol sa good manners dati? Sana nakinig ka ng mabuti dahil now is the time to apply it.
  • Freshen up. Dumaan sa restroom pagkatapos para maghugas ng kamay, at para siguraduhin na wala kang tinga sa ngipin.
  • Pagkatapos ng inyong date, may protocol din. Mag-offer na ihatid siya sa bahay niya. Be sensitive. Pakiramdaman mo kung OK lang sa kanya ang beso-beso o hug. When in doubt—don’t. Siguraduhin mo na nakapasok siya sa bahay o sasakyan (kung ayaw niyang magpahatid) bago ka umalis. At make sure na sabihin mo na nag enjoy ka na kasama siya.

Any fashion tips?

Heto ang payo ng stylist na si Camille Santiago:

  • Classic outfits work. Hindi naman kailangan na sobrang magara suot mo. Pang casual na date, OK na ang jeans at maayos na shirt. Kung keri mo, try wearing printed shirts in darker colors.
  • Comfort is key. Kung hindi ka komportable sa suot mo, mahirap mag-relax at baka di mo ma-enjoy ang date.

Kung hindi naman formal ang pupuntahan ninyo, stick to the classics: jeans-polo-casual shoes. At para mas may dating, wear a printed top. 

On Josh: Tiger print polo, Forever 21; ripped jeans, GUESS

Ready ka na ba? Tandaan, be your best self, be considerate of your date, at mag-enjoy.   

 

Ang Etiquette + Style: Ano ang Dapat Gawin at Isuot Pag… ay ang bagong serye ng Seafarer Asia. Abangan ang mga susunod! 

Models

Edward Nantes, OIC | Vlogger, Byahe ni Edward

Josh Draper Villanueva, OIC | Vlogger, Joshnosebest

Photographer 

Harvey Tapan | Third Eye Visual Creative Services

Stylist

Camille Santiago

Makeup Artist

Tanxia Sta. Cruz Espresion

Project Coordinator

Bien Carlo Galapon

Etiquette Experts

Tessa Vergara-Yuvienco and Lilet La Vina | G.O.L.D. Foundation (Gregorio Oca Leadership & Development)

Shot on location on board the T/S Felix Oca and at the Sampaguita Lounge, The Gregorian.

Rheea Hermoso-Prudente

Rheea loves words, food, books, travel,  paper, and water in any form (though not necessarily in that order). She recently moved up to the foggy mountains of Baguio with her husband, two daughters, and portly cat. She homeschools her kids, and dreams of making a go at homesteading.