Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Josh Appel on Unsplash

Ano ang iyong financial situation? Mas marami ka bang IPON OR UTANG?

 “Aray naman Chinkee. Natamaan ako.” Hahaha! Feeling guilty ba? I have no intention to hurt your feelings. Minsan kailangan natin ng wake-up call.

Ang tanong, “Bakit ka ba nagka-utang?” Dahil ba sa luho? Sa bisyo?

O sa walang humpay na request ng iyong kamag-anak incorporated? Ok lang naman magpadala, pero make sure hindi lang sa luho napupunta.

Alamin mo rin ang sanhi ng iyong utang, para matigil din ito.

So ano ba ang kailangan nating gawin para makalabas sa pagkakautang?

Stay consistent

“Consistent naman ako, Chinkee.” “Saan?” “Consistent ako sa pangungutang.” Lol!

Naku kung lagi na lang tayo mangungutang, mag papatong-patong na ang mga ito. Friend, you cannot solve a permanent problem with a temporary solution. You can only solve a permanent problem with a permanent solution.

Kailangan nating bayaran ito para maging utang-free na rin tayo. “Hay Chinkee. Sino ba naman ang ayaw makawala sa utang? Syempre gusto ko naman talagang magbayad. Kaso wala talaga eh. Kulang talaga ang pera namin.”

Kung gusto may paraan, kung ayaw may ano? Alam kong alam n’yo rin naman ang sagot.

Possible solutions sa utang ay…

  • Magbawas ng gastos
  • Maghanap ng extra income
  • Magbenta ng ibang gamit o ari-arian
  • Mag offer service or trade

Stay focused

Hindi yung naka-focus tayo sa susunod na uutangin natin. Instead, focus tayo sa goal natin na bayaran ang mga utang. Unahin ang mga may malaking interest kasi habang tumatagal, lumalaki ito.

Kung iniisip ninyo na gusto nyong mag-ipon at gusto n’yo ring magbayad, pwede naman ito. Pero kung talagang mataas ang interest ng utang, unahin muna talaga ang pagbayad ng mga utang.

Imagine, gusto mo mag tabi ng 500 kada buwan, pero may utang ka pa ng 10,000 at may interest ito 8%, so may 800 na dagdag sa babayaran kada buwan.

Mas malaki pa yung interest kaysa sa maitatabi, kaya pag ganito, unahin na muna ang pagbabayad kahit paunti-unti. Huwag na nating antayin na sobrang laki na. Ipaliwanag din sa asawa o sa pamilya ang totoong estado

ng iyong pinansyal para alam ng mga pamilya mo at makakapagtulungan kayo.

Stay disciplined

Hindi rin pwede yung “next month na lang.” Tapos sasabihin sa sarili natin: “Promise next month.” Pero naka ilang next month na eh wala pa ring nangyayari. Hindi dapat natin hayaang maging habit ang pangangako sa sarili na parang ganun na lang. We have to discipline ourselves. At the end, tayo rin naman ang magbe-benefit or magsa-suffer sa mga actions natin. So doon na tayo sa maganda ‘di ba?

Bawasan ang mga bisyo, iwasan ang pagiging impulsive buyer, alisin ang inggit sa katawan at higit sa lahat ay matutong mag budget ng pera. Huwag masanay sa kaisipan na may darating na pera kaya pwedeng umutang na uli. Kahit ano bilhin na lang kasi may pera naman, hanggang sa huli wala na namang natira na pambayad sa utang at hindi na naman nabawasan ang ating mga bayarin.

“Iwasan na ang pag-iisip na ang utang ay ang solusyon, dahil hindi mo na namamalayan na ikaw ay nababaon.”

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sinu-sino ang mga pinagkakautangan mo?
  • Anu-ano ang mga resources mo para mabayaran ito?
  • Kailan ang target mo para maging utang free ka?

Kung seryoso ka maging utang free. Timing! Kalalabas lang ng latest book ko na “MY UTANG FREE DIARY” Maging utang free para maging stress free! To order go to chinkshop.com

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.