Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Karamihan sa mga Filipino-Chinese businessmen ay hindi naman sikreto na sila ay SUCCESSFUL sa kanilang kanya-kanyang larangan.

Iilan lamang dito ay sina: Henry Sy, John Gokongwei Jr, at ang aking Tito na si Lucio Tan—joke lang KaChink, tito ko sa panaginip haha.

But really, seeing how successful they are, minsan napapatanong na lang ako na “Paano kaya nila nagawa yun?” “Baka naman pinanganak silang mayaman?” “Eh baka pinamana lang ng magulang.”

Nako, diyan tayo nagkakamali. Karamihan sa ating mga kapatid na Filipino-Chinese ay from nothing to something. Walang-wala at salat din dati sila sa buhay.

But look where they are now? Anong sikreto? Read along at sasabihin ko sa inyo.

Hindi pwedeng walang laman ang bank account

Hindi pwede yung: “Okay lang ‘yan, next time na lang.” “Eh wala eh, kulang ang kita eh.” “Sus, sakto nga lang magbabank account pa.”

Para sa kanila, there are NO EXCUSES.

Hanggat walang laman, hanggat walang ipon, gagawa at gagawa ng paraan para lamnan ito. Hahanap ng additional income. Magtitipid at magba-budget ng maayos. Didiskartehan ang business para kumita pa.

Hindi uso ang ‘mamaya na’ habit

Wala ng pera? Kayod! Kulang na ng panggastos? Hala, sige benta!

Ubos na ang kita, kilos!

Ginagawa nila yan NGAYON NA! Wala ng patumpik tumpik pa. Hindi dumadaloy ang katamaran sa katawan. Dahil para sa kanila, bawat oras ay mahalaga. Na kapag ipinagpabukas pakatumbas nun ay pera at oportunidad na mawawala rin.

Life is a competition

Ayaw man natin makipag-kumpitensya pero hindi natin ito maiiwasan.

  • May tindahan tayo, meron din yung kapitbahay.
  • Nagtayo tayo ng computer shop, ginaya ni kumare.
  • Naisipan natin mag karinderya, nagbukas din yung sa tapat.

This is how competition works. And for them, IT IS OKAY.

Hindi ito para mapanghinaan ng loob kundi mas lalo pa nating galingan at hasain ang ating mga isipan kung paano tayo mag iimprove bilang entrepreneurs.

Imagine a world na wala tayong kalaban. Hindi tayo nag go-grow, nagiging stagnant na lang tayo.

So take it as a motivation. It’s good for us and the business.

“Hindi dahilan ang pagiging salat sa buhay.
Kung gusto, maraming paraan. Kapag ayaw maraming dahilan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anong Chinoy habits ang pwede mo i-adopt?
  • Sa anong area ka kulang?
  • Willing ka bang matuto kung paano sila mag-isip at dumiskarte?

Kung ang sagot mo ay oo! Good news! May online course kami na pwedeng mabago ang buhay mo. Check out SECRETS OF THE THE CHINOYPRENEURS (How Do Filipino Chinese Succeed In Business) To know more visit chinktv.com.

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.