Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Minsan ka na bang tinamad sa trabaho? Yung sa dami mo ng ginagawa at marami pa ang inuutos sayo?

Eh sino ba naman ang hindi tatamarin? Una, marami ka ng mga backlogs at maraming pang mga Russian at Argentinian na pinapatapos sayo.

Ano ang Russian at Argentinian? Rush Yan at Urgent Na Yan!

Ikalawa, marami ka rin mga personal problem! Dahil nga LDR ang relationship, kaya mas maraming time ang inuubos sa pag Facetime o Skype.

Ikatlo, makakaharap mo na naman natin yung mga kabaro o kap o officers na laging galit at iritable.

Kaso mga KaChink, hindi naman natin mapipigilan ito. Una, hindi matatapos ang trabaho. Mas marami pang iuutos at pagagawa. At habang ikaw ay malayo sa pamilya mo, mas mag iinvest ka ng time sa pakikipag usap at chat to compensate for the lost time being with them.

Let us be thankful and grateful na may work pa rin tayo. Alam ko na hindi biro ang ginagawa mo at mahirap ang mawalay sa pamilya. Pero pa-alalahanin natin ang ating sarili kung bakit ba tayo nagbabanat ng buto in the first place. Ito ay para sa pamilya. Mahalin natin ng lubusan ang ating trabaho at wag ito pababayaan. Dahil ito ang nagbibigay ng pambayad sa pangangailangan ng ating pamilya. Wag naman dumating ang panahon na nanabang na ang ating pinagtatrabahuhan at bibigyan na tayo ng permanent leave. Tsaka na tayo doon magsisi sipag at mas seryoso sa pagtatrabaho.

“I-appreciate natin ang ating Hanapbuhay at ‘wag tatamarin. Dahil isa ito sa napakahalagang biyaya ng Panginoon para sa atin.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 THINK. REFLECT. APPLY.

  • Bakit ka tinatamad magtrabaho?
  • Anong mga habit mo kapag tinatamad?
  • Paano mo mas mabibigyang halaga ang trabaho?
Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.