Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Lance Grandahl on Unsplash

“Kaya ko toh!”

“Hindi ako susuko!”

“Magtatagumpay din ako!”

“Balang araw ako naman ang nasa unahan!”

“Makakamit ko rin ang mga pangarap ko!”

“Sa tulong ng Diyos, wala akong hindi kayang gawin!”

“One day, magiging Boss din ako!”

Ito dapat ang laman ng mga isip natin! Dapat sa isip palang natin nag-tagumpay na tayo. If we want to win in life, we should have a winning mindset!

A winning mindset produces a winning attitude. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, success and failure all start in the mind.  Kung dito palang, talunan na tayo, what outcome would we expect?

Ang tanong, “Gusto mo ba magkaroon ng winning mindset?”

Ang pagkakaroon ng winning mindset ay isang CHOICE. We need to make a choice to train and remind ourselves to always think positive, to always look at the brighter side, to always see things in a different perspective.

Tip #1. Isipin mo ang positive, wag ang negative

Gusto mo mag-umpisa ng negosyo.

Isipin mo kikita ito; hindi mo iisipin, “Paano kung malugi!?”

Nagbebenta ka ng product mo.

Isipin mo bibili sila; hindi mo iisipin, “Paano kung hindi sila bumili!?”

Ikaw ay naman nag a-apply ng trabaho.

Isipin mo na ikaw ay matatanggap; hindi mo iisipin, “Paano kung hindi ako matanggap!?”

Tip #2. Never stay at your comfort zone

Hindi tayo dapat masiyahayan sa kung anong alam natin ngayon. We should strive to improve and be better every day.  Hindi dapat tayo masiyahayan sa kinalalagyan natin; we should always aim high and aim for more.

Hindi dapat tayo kuntento sa ‘pwede na’, dapat galingan pa natin lalo.

Hindi dapat tayo kuntento sa ‘isang kahig, isang tuka’, we should desire an abundant life.

Hindi dapat tayo kuntento sa ‘utang’, we should desire a debt-free life.

Ika nga hindi kasalanan ng isang tao na ipinanganak na mahirap, pero malaking kasalanan sa kanyang sarili at mga mahal niya sa buhay kung wala siyang ginawa at namatay pa ring mahirap, choice niya yun.

Kaya kung gusto nating magbago ang takbo ng buhay natin, baguhin natin ang takbo ng isipan natin and make the right choices.

In conclusion, ano ang pagkakaiba ng mahirap sa mayaman? Ang kanilang MINDSET.

Maikli lang ang buhay para mabuhay sa takot, kapos at hirap. Binigyan tayo ng Diyos ng kakayahan at dunong para labanan ito!

Change your mindset, Change your life, NOW!

THINK. REFLECT. APPLY

What kind of mindset do you have?

Kuntento ka na ba sa buhay mo ngayon?

Are you ready to change for the better?

Kung gusto mong magkaroon ng winning mindset pag dating sa iyong finances. Join ka na sa YouTube account ko na CHINK POSITIVE. At subaybayan ang Money Mondays with Chinkee Tan dito sa Seafarer Asia

YOU CAN NEVER WIN IN LIFE WITH A DEFEATED MINDSET.

 

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.