Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Junior Moran on Unsplash

Masakit sa ulo ang utang.

Yan ang parating nasa isip—kung saan makakakuha ng pambayad. Hanggang sa pagtulog, minsan mapanaginipan mo pa.

Grabe! Sobrang nakaka-stress!

I do not wish for anyone to be in this situation. Pero minsan dahil kapit na sa patalim, napipilitan ang mga iba na mang hiram kahit napakataas ng interes.

Kung sawa na sa iyong sitwasyon at naghahanap ka ng paraan para makalabas sa utang, ito lang ang isa sa mapapayo ko sa inyo bilang isang wealth and life coach.

Never borrow money to pay off another debt

Hindi natin pwede gamitin ang utang na pambayad ulit ng utang. Hindi natin namamalayan na lalo pa lumalalim ang ating problema. Nanghihiram kay A pambayad kay B, nanghihiram kay C pambayad kay A. Kung hindi ito napapansin, para lang itong merry-go-round na paikot-ikot. Walang katapusang pambayad ng utang. You cannot solve a permanent problem with a temporary solution. Huwag mangutang, para magbayad ulit ng utang.

Search for other alternatives and resources to pay off your outstanding balances to clear your debt.

Some quick ideas…

Magbawas ng gastos

Hanapin mo kung saan napupunta ang bulto ng iyong gastos o expenses. Hingan ng tulong ang mga dependents, sa mga taong umaasa sustento. Alamin kung ano ang pwedeng tanggalin at i-bawas dito. Wag muna kumain sa labas. Bawasan muna ang pag Samgyupsal at pag-inom ng milk tea at kape. Baka magulat ka na lang, marami kang ma-iipon kung naghinay-hinay ka lang sa paggastos.

Maghanap ng additional income

Kung talaga wala ng ipipiga. Kailangan na maghanap ng sideline. Hindi natin pwede tipirin ang ating sarili na wala na tayong makakain. Mag-online selling, pumasok sa pagbebenta ng real-estate, insurance or sumali sa direct-selling. Maghanap ng dagdag trabaho during the weekend kaysa maglakwatsa. Kailangan matutong dumiskarte para makalabas sa pagkakautang.

Magbenta ng gamit

Selling the things that you don’t need. Check mo yung wardrobe mo, mga lumang damit, gadgets, appliances, libro at marami pang iba. Sell it online and convert your trash into cash.

Sa totoo lang, maraming paraan na pwede tayong makalabas sa utang.

Nahihirapan lang tayo, dahil magpapatalo tayo sa ating emosyon. At hindi na tayo makapag-isip ng tama para makagawa ng tamang solusyon. Sana naman nakatulong ako sa inyo sa pamamagitan ng artikulong ito na may solusyon sa lahat ng problema. Dahil ang paniniwala ko sa buhay ay, “Kung gusto, gagawa ng paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.”

THINK. REFLECT. APPLY.

May mga loan ka pa ba na hindi nababayaran?

Ano ang diskarte mo?

Paano mo siya nababayaran?

Kung gusto niyo pa madagdagan ang inyong kaalaman para makawala sa utang, please follow me at Fb at YouTube account @chinkeetan or go to chinkeetan.com/youtube

 

 

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.