Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by simon peel on Unsplash

Gusto mo bang yumaman pero di mo alam saan ka mag-uumpisa? Matagal ka na bang naglalayag pero di mo pa rin nakakamit yung gusto mo? Frustrated ka na ba at wala pa rin nangyayari?

Good news! I want to share with you kung ano ang ginawa ko noong ako ay bata pa at paano ko nakuha yung unang milyon ko.

Identify 

Ano ba ang initial target mo? Five hundred thousand a month na sweldo? O sa isang linggo? O sa isang araw?

Unless you have a target in mind, hindi mo talaga makakamit kung anong gusto mo. Kung wala kang target, wala kang tatamaan. Just imagine na naglalaro ka ng basketbol na walang ring. E, di walang score.

Nakakapagod maglaro na walang score. Ganoon din sa perang nais mong kitain, kung hindi pa malinaw sayo yung resulta na gusto mong ma-achieve.

Mahirap makarating sa isang destination kung hindi mo alam kung ano nga bang lugar ang gusto mong marating.

So I encourage you, define ano ba ang target mo. Be specific.

Afterwards, what you need to do is to …

Believe

Maniwala ka! The biggest difference between a person who succeeds and a person who fails, lies on his belief system.

Ano ang iyong mindset? Positive ba o negative? Kaya ba o mahirap?

“Teka, parang ang hirap nun ah … Bawasan ko na lang yung goal ko na income per month.”

“Paano na kung malugi at hindi nag work?.”

E kung ganyan, bago ka pa mag-umpisa, talunan ka na. Hindi mo pa nga tina-try, talo ka na.

When you have identified your desired monthly income, believe that you can achieve it. Because it’s only with the positive mindset that you can become successful in reaching your dreams.

Tatandaan mo, maraming taong gustong yumaman, pero iilan lang ang naniniwala na sila ay yayaman.

And what goes hand in hand with believing is …

Commit

Kahit madaming paraan para ikaw ay yumaman pero kung hindi ka naman decided na maglaan ng oras para dito, bale wala lang ang mga iba’t ibang paraan na alam mo.

Being excited in achieving your goals is one thing but committing to achieve it is another.

Dapat committed ka kahit anong hirap.

Dapat committed ka kahit hindi mo feel magtrabaho.

Dapat committed ka kahit anong pagsubok man ang dumating.

And part of being committed is you will start to …

Act

Believing and committing is in your mind. And unless you put it into action, it will stay in your mind forever.

Usong uso ang mga katagang “may forever” pagdating sa buhay pag-ibig pero gusto mo din ba na ang forever ay maging totoo pati sa mga pangarap mo? Tipong forever nang hindi matupad?

Palagay ko ayaw mo na your dreams will be forever be dreams kaya kung ako sayo, kilos na!

Do not procrastinate! Kung palagi mong ipagpapa-bukas ang pag-kilos, baka hindi mo mamalayan nauubusan ka na pala ng bukas.

Kung alam mo na ang financial destination na gusto mong marating, then you have the right mindset, and you have already decided to make your dream come true, ang kulang mo na lang ay isang malaking hakbang para sa katuparan ng iyong pangarap.

THINK. REFLECT. APPLY.

Naniniwala ka ba na ikaw ay yayaman?

Decided ka na ba na gawin ang lahat para matupad ang iyong pangarap?

To get more free inspiration and motivation, please visit my YouTube Channel “Chink Positive.” And of course, abangan ang weekly column ko dito sa Seafarer Asia.

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.