Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Tim Gouw on Unsplash

Ano ang nangyayari sa isang taong may utang?

  • Nahihirapan matulog 
  • Nawawalan ng ganang gumising
  • Madalas na tulala
  • Hindi makapagtrabaho ng maayos
  • Maraming iniisip kung paano makakabayad sa mga utang

Napakahalaga na ang bawat isa sa atin ay maghangad na magkaroon ng isang “utang-free” life. May kilala ka bang tao na gustong mabaon sa utang o magkaroon ng maraming alalahanin dahil sa tinatakbuhang bayarin? Lahat tayo ay nangangarap na mamuhay nang payapa at hindi nai-stress sa mga bayarin. Yung relaxed lang dahil wala tayong iniintinding utang.

Narito ang iba pang dahilan kung bakit mahalaga na maging “utang-free” ang isang tao:

Mas madadagdagan ang ating ipon

Kung walang utang, ang budget na ipambabayad sa mga patong-patong na interest ay pwedeng idagdag sa ating emergency fund or savings.

Magkakaroon tayo ng mas magandang credit record

Dapat ay siguraduhin na wala tayong mga utang na hindi binayaran para mas gumanda ang ating credit record. Kung sakaling kailangan nating mag car loan o housing loan in the future, sa credit record ibabase kung ma-approve o madi-disapprove ang ating loan application. Karamihan sa mga malalaking kumpanya ay may mga record ng mga taong may bad credit standing at sigurado ako na ayaw nating mapabilang dito. 

Magkakaroon tayo ng malusog na kaisipan

Ang isa sa pangunahing sanhi ng depresyon sa ating bansa ay ang pagkakabaon sa utang. Dahil sa mga suliranin at problema sa pera (kasama na dito ang utang), marami tayong mga kababayan ang nade-depress at nawawalan ng pag-asa sa buhay. Ang mas nakakalungkot na katotohanan, ang ilan sa mga ito ay mas pinipiling wakasan ang kanilang buhay dahil sa napakabigat na problema tungkol sa pera. Magkakaroon tayo ng malusog na kaisipan kung hindi natin inaalala ang mga problema tungkol sa pera. Hindi natin kailangang mag-alala at mas magiging maayos ang ating buhay kung tayo ay magiging “utang-free”

Magkakaroon tayo ng tiwala sa ating sarili

Kung wala tayong utang, mas tataas ang ating self-esteem at maiiwasan natin ang mag-self pity. Magkakaroon tayo ng bilib sa ating kakayahan at tataas ang ating morale na kaya pala nating mabuhay nang wala tayong inaalalang utang. Pwede tayong magpost sa social media natin ng #FeelingBlessed at hindi natin iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Nakakahiya naman kasi di ba na kung may utang tayong tinatakbuhan tapos magpo-post tayo ng #FeelingBlessed pero yung inutangan natin ay #FeelingStressed. Baka bigla silang mag-comment ng #BayadUtangMuna, e di nabuko pa tayo na may mga utang tayo sa ibang tao. 

Mababawasan ang ating mga karamdaman

Napansin niyo rin ba na kung sino yung mga taong baon sa utang ay sila yung mga taong sakitin at laging may karamdaman? Parehong naapektuhan ng pangungutang sa ating buhay ang psychological and physiological wellbeing natin.  

Ang mga sintomas ng taong baon sa utang ay ang mga sumusunod:

  • Nanghihina at hindi makakilos
  • Walang ganang kumain
  • Balisa at hindi mapakali
  • Hindi makatulog 
  • Tulala at laging malungkot

Para maiwasan ang pagdapo ng iba’t-ibang karamdaman, siguraduhin lang na wala tayong inaalalang utang. Because a healthy mind will give us a healthy life.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ikaw, bakit mo gusto maging utang-free?

Ano ang priority mo ngayon sa buhay? Mabuhay na comfortable na may utang? O mabuhay ng simple na walang utang?

Para sa mga tips tungkol sa pera at sa stress-free, utang-free living, subaybayan ang column ko dito sa Seafarer Asia.

 

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.