Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Ikaw ba ay nagtatrabaho sa overseas? Ikaw ba ‘yung tipong hindi pwedeng umuwi sa Pilipinas na walang dalang tsokolate, laruan, sabon, lotion, home theater, at kung ano-ano pang pasalubong? Tuwing nagbabakasyon ka, kailangan may uwi kang keychain, refrigerator magnet, at iba’t-ibang klase ng souvenir para sa pamilya mo, kamag-anak, ka-opisina, boss, o mga kasama sa bahay? Wala ka na ngang kapera-pera, pero nakukuha mo pang dumaan sa mall araw-araw para lang may pasalubong sa kanila?

Natural sa ating mga Pinoy ang pagiging mapagbigay at maalalahanin, kaya kada alis natin, hindi mawawala ang bitbit na regalo o pasalubong. Kadalasan pa nga, hindi pa tayo nakakaalis, naghahabilin na ang iba. Nandiyan ‘yung: “Pasalubong ko, ah?” “Size 9 ako. Regalo mo nalang sa akin.”

Okay lang ang magbigay kung ito’y nabayaran na ng buo at hindi inutang. O ‘di kaya’y napaglaanan ito ng budget o allowance. Pero minsan, nalulubog na tayo sa utang para lang may maiuwi at matupad ang ipinangakong pasalubong.

Bakit ba kasi may mga taong pressured mag-uwi ng pasalubong?

Pa-impress

“Uyyyyy, galing ka doon? Yaman!”

“Mahal nito, ah! Salamat!”

“Grabe, ibang-iba ka na talaga ngayon. Big time ka na!”

Nakasanayan na ang pagbibigay, sometimes out of thoughtfulness, pero minsan din kasi people want to be noticed. Minsan they want others to know the destination they traveled to, or what they can afford to buy. The question is, do they really need this? I don’t think so.

Keep in mind na may regalo ka man o wala, presence is more important than presents. Presence should be more than enough for the people who care for us and love us.

Pakitang-tao

Para lang masabi na mabait at isipin ng iba na sila ay galante at mayaman? Walang problema kung ito ay totoo. Pero kung ang dami na nating utang o kung hinuhulugan na ito dahil pinambili ng mga pasalubong at regalo ang pera, ibang usapan na ito.

Magyabang

“Grabe! Ang dami mo namang pasalubong!”

“Wala yan, noh. Sige, pili na kayo diyan.”

“Wow! Mahal siguro ng TV na iuuwi mo sa kanila.”

“Hindi naman. Mura lang ‘yan!”

“Uy, you don’t have to do this. Ano ka ba? ‘Kaw talaga!”

“Well, ganito talaga ‘pag malaki na sweldo. Masanay na kayo.”

Grabe, sa mga ganitong sagot, feeling ko tatangayin na ako sa sobrang hangin! Woohh! Ang lakas, signal #4! Ang kadalasan nating naririnig na “huwag magyayabang kung wala namang ipagyayabang”? This actually rings true.

Here’s a reminder sa mga taong feeling pressured bumili ng mga pasalubong.

  1. Learn to admit kung ano lang ang kaya mo. Kung meron, thank you. Kung wala, mas dapat tayong magpasalamat dahil wala tayong pinagkakautangan.
  2. Hindi rin naman sa regalo nasusukat ang pagiging thoughtful ng isang tao. Simpleng kamustahan, text, tawag, o spending quality time with them – sapat na ‘yun.
  3. Kung walang pera, kung nagigipit, o may iba pang financial obligations na dapat pagtuunan ng pansin, manahimik na lang because we don’t really need to broadcast anything just to prove something sa ibang tao – especially just to impress the people you do not like and give gifts to people you don’t even genuinely like.

THINK. REFLECT. APPLY.

Lagi ka bang nagbibigay ng pasalubong sa kanila? Bakit?

Ito ba ay nabayaran ng buo o hinuhulugan mo pa rin hanggang ngayon?

How can we show thoughtfulness and generosity na hindi masyadong gumagastos?

If you want to avoid making money mistakes, read my bestselling book Diary Of A Pulubi now available via ebook at www.chinkshop.com  at abangan ang weekly column ko dito sa Seafarer Asia

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.