Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Recently, may friend akong nakatanggap  ng text message: “P5k mo, gagawin nating P27k guaranteed in 2 months or we’ll give your money back!”

Galing, hanep! Ayan na naman sila! Biglang yaman! OMG!

Ito pa ang banat nila…Para lang ito sa mga taong “open minded.” Kung hindi ka mag-ingat, mapapabilib ka,  hanggang mabilog na nila ang ulo mo. Nariyan yung madali kang masilaw sa pera o mag-asam ng biglang yaman. Sa huli, magiging biktima ng scam at mawawala lahat ng pinagpaguran mo. Yan ang madalas na nangyayari sa ating mga kababayan na OFW at marino.

Unfortunately, walang ganoon klaseng investment.

Yan ang nangyari sa isang kong avid follower  na OFW na itago natin sa pangalang Jose. Nag-invest siya ng P100k sa isang “GOLD trading” na may pangakong 540% ROI in just two months. Wow diba?! Noong umpisa, kumikita siya. Pero nang lumobo  na ang kanyang investment, biglang nag-laho ang kanilang website at tuluyang naglaho ang kanyang pinag-ipunan.

Ganyan ang typical scam story.

Kaya hinay-hinay lang. Huwag mag-asam ng biglang yaman. Sa una padadamahin ka nila. At kapag na-engganyo ka nang mag-invest pa more, paiiyakin ka na nila! Kaya dapat maging maalam at maingat para hindi mapunta sa wala ang perang pinaghirapan sa ibang bansa.

Para sa mga taong naging biktima, learn from your mistakes.

Para sa mga taong hindi pa nabibiktima, Learn from other people’s mistakes. Hindi mo kailangan maransan ang pagkakamali para malaman mo ito ay mali. Sa totoo lang, personal mistakes are costly and expensive. 

Mag-aral ka bago mag-invest.

Invest in yourself because that’s the best investment you can ever get.

Invest in financial education. Enrich yourself. Read  books on personal finance, attend seminars and follow the discipline of financially successful people and apply what you have learned.

Kapatid, sa Panginoon lang tayo kumapit. Sa Kanya lang tayo mamuhunan para hindi tayo muling masilaw sa kayamanan o mag-hangad ng instant yaman.

Tatandaan, walang elevator sa success. You really have to take the stairs.

Overnight stay meron–overnight success waley!

THINK. REFLECT. APPLY.

+ Kung na-scam ka na, natuto ka na ba o uulit ka pa?

+ Mas maganda ba na matuto ka mula sa experience ng iba?

Gusto mo bang matuto mag invest ng pera at maiwasan ang mga scam? Paano? Attend my online courses kahit nasa abroad via chinktv.com Hanapin mo yung course ko HOW TO RETIRE AT 50 and you will learn how to invest and avoid scams. Abangan din ang Money Mondays with Chinkee Tan dito sa Seafarer Asia

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.