Mac-click dito para basahin sa Ingles. 

Jimwel Nacasabog, 43 

Apat na buwan. Yun na ang pinakamatagal kong pagsampa sa lupa mula nung naging seaman ako nung ‘97. Ang pinaka ayokong aspeto ng pagiging seaman ay ang lamig. Sa Canada, lumalamig hanggang negative 54 degrees. Sobrang lamig kelangan naka gloves ka lagi. Ni ligo hindi mo kakayanin kasi pati yung hanging sobrang lamig talaga. Hot towel lang ang ligo ko don.  

Nung 2007, nasa may Mexico kami nung yung Koreanong chief engineer nami’y biglang nagka-appendicitis. Nagpatawag si kapitan ng medical evacuation, tapos nagpadala ang Arizona ng apat na doctor na naka parachute. Pero sobrang sama ng panahon na tumaob yung lifeboat namin. Punong-puno pa naman ng pating yung area kaya akyatan kami lahat sa lifeboat na nakabaliktad para magdasal! 

Kumalma naman yung dagat matapos ang dalawang araw, kaya nakapagpadala uli ang Arizona ng rescuers. Dalawang helicopter saka C-130. Nakuha nila si chief, nailigtas naman siya. 

Ngayon gusto ng anak ko maging seaman. Sabi ko subukan nalang niya ang ibang industriya, kasi masyadong mapanganib ang buhay sa dagat. Pagdarasal lang ang katapat doon. Pero, pag naaalala ko yung rescue ni chief sa Arizona, yung mga helicopter at eroplano saka lahat ng tumulong para ma-rescue siya, nakakataba ng puso.

A new visual series by Seafarer Asia, Kumusta, Kabaro? Kumusta, Kaibigan? gives viewers gritty glimpses into the lives of Filipino seafarers and their kin. True tales of love, pride, sacrifice, failure and success weave a living tapestry and an oral history of life at sea. The subjects are given free rein on what to share and how they wish to be photographed. The series is inspired by the popular photoblog, Humans of New York.

Share this post

Gregg Yan

Gregg Yan is an award-winning writer and photographer who covers marginalized groups and environmental conservation issues. His work has been featured by National Geographic, Discovery Channel, CNN plus over a dozen books – including Into the Wild, his first coffee table book. He also has a monthly magazine column on wildlife.