Mag-click dito para basahin sa Ingles. 

Carl Joshua Flores, 23

Ang sikreto ng pangangalaga sa makina ay ang kalinisan at pagiging alerto. Kelangan lagi mong chine-check kung malinis at maayos ang takbo ng makina. Madalang magkaproblema kung alerto ka. Isang taon rin akong naging engine cadet sa isang inter-island ferry mula Sorsogon hanggang Samar. Minsan may biyaheng Cebu rin. Syempre gusto kong ma-promote, kaya mag-eexam ako mamaya.

Ang tagal kong nagreview. Sa bahay, nag-aaral ako pag tulog pa lahat, o minsan naman kung tulog na sila. Laging madaling araw para tahimik. Pag may tao naman, pumupunta ako ng 7-11 o kahit saang tahimik na lugar para makapag-concentrate. Hindi ko kasi style yung pagmemorya lang ng sagot – 3000 questions yung exam mamaya kaya hindi kayang kabisaduhin. Yung style ko ay iniintindi yung konsepto ng bawat tanong. Sana pumasa ako para magamit ko na yung natutunan ko sa international ship. Gusto ko kasing maging chief engineman balang araw.

Nagsusumikap ako kasi gusto kong maging mabuting panganay para sa aming pamilya. Ako kasi ang panganay sa aming pito at gusto kong tularan nila ako. Gusto ko maging totoo ang mga pangarap nila, gaya ng ginagawa para sa akin ng magulang namin. Sa pamilya namin, one-team kami.

A new visual series by Seafarer Asia, Kumusta, Kabaro? Kumusta, Kaibigan? gives viewers gritty glimpses into the lives of Filipino seafarers and their kin. True tales of love, pride, sacrifice, failure and success weave a living tapestry and an oral history of life at sea. The subjects are given free rein on what to share and how they wish to be photographed. The series is inspired by the popular photoblog, Humans of New York.

Share this post

Gregg Yan

Gregg Yan is an award-winning writer and photographer who covers marginalized groups and environmental conservation issues. His work has been featured by National Geographic, Discovery Channel, CNN plus over a dozen books – including Into the Wild, his first coffee table book. He also has a monthly magazine column on wildlife.