Ang pagtatrabaho sa loob ng barko ay hindi biro at ‘di basta-basta. Kailangan mo ng sapat na talino, diskarte, dedikasyon at lalong-lalo na ang lakas ng pangangatawan na siyang madalas ginagamit ng isang mandaragat.

Hindi maikakailang ang maging marino ay napaka-demanding pag dating sa trabaho. Nakakapagod na araw-araw lumalayag sa karagatan at nakikipag-buno sa malalakas na alon. Kadalasan, nakatutok sa nakapa-pasong sikat ng araw o di kaya nama’y babad sa mainit na engine rooms, kaya naman kailangan na mapanatiling ang pangangatawan ay hydrated para laging healthy.

Ang dehydration ay mayroong masama at negatibong epekto sa pangangatawan, lalo na sa mga marino. Ito ay maaaring maging sanhi o ‘di kaya’y mas magpalala sa ilang uri ng mga sakit katulad na lamang ng nephrolithiasis o kidney stones. Ito rin ay makaa-apekto sa kakayahan ng isang marino na maging produktibo sa kanyang trabaho.

Ano ba ang mga senyales at sintomas ng dehydration:

  • Labis na pagka-uhaw
  • Darker and decreased urination
  • Panunuyo ng bibig
  • Panunuyo ng balat
  • Pag sakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Panghihina
  • Mabilis na pag tibok ng puso o palpitations
  • Lack of sweating
  • Pananamlay

Kabaro, paano mo masisiguro na ikaw ay laging hydrated? Narito ang mga sumusunod na gabay:

STEP 1:

Upang maiwasan ang dehydration, uminom nang mahigit sa dalawang litro ng tubig kada araw.

STEP 2:

Sa iyong pag gising sa umaga, magandang panimula ng iyong araw ang agarang pag inom ng isang basong tubig. Ito ay upang ma-activate ang iyong internal organs at gayundin ang pag alis nito ng body toxins.

STEP 3:

Iwasan o bawasan ang pag-inom ng mga carbonated drinks katulad ng soda, diet drink, energy drink. Imbes na mga carbonated drinks, uminom na lang ng tubig na siyang tiyak na makatutulong sa iyong kalusugan.

STEP 4:

Sa tuwing kakain, ugaliin din ang pag inom ng isang baso ng tubig, 30 minutes bago kumain para makatulong sa iyong digestion. Gayundin pag tapos kumain.

STEP 5:

Sa halip na kape ang ihalo sa tubig na iyong iinumin, mas makabubuti din kung ito ay iyong hahaluan na lamang ng mga prutas na masusustansya at makabubuti sa kalusugan katulad na lamang ng lemon, lime o orange.

STEP 6:

Hanggat maaari, magbaon ng inuming tubig sa iyong work place at ugaliin ang pag inom nito ng kahit paunti-unti, upang sa gayon iyong mapapanatiling ika’y well-hydrated.

STEP 7:

Bilang isang marino, natural lamang na iyong pinananatiling fit and healthy ang iyong katawan, kung kaya naman para sa mga nag-eexercise sa barko o nagtatrabaho sa mainit na kapaligiran, mas makabubuting uminom ng tubig kada sampu hanggang labin-limang minuto (10 to 15 minutes).

STEP 8:

Upang masigurong ikaw ay well-hydrated, ugaliin din ang regular na obserbasyon sa kulay ng iyong ihi. Dahil ito dapat ay light in color and odorless.

Ang pag inom ng sapat na tubig ay tiyak ngang makatutulong sa pag pigil ng anumang uri ng sakit, dahil ito ay tanyag na mayroong energizing properties. Ito ay napaka-halaga tungo sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan at pangangatawan.

Share this post