Herbert Brazil, 50

Di pa rin ako makalakad ng maayos. Kelangan ko ng dalawang operasyon sa likod. Dahil rin sa exposure sa ammonia, minsan nahihirapan akong huminga.

Mapanganib talaga ang buhay seaman, lalo na kung sa oil tanker ka. Taga-Cebu ako at naka-katorseng akyat na ako mula 1989. Tagal na rin sa industriya. Motorman ako. Oiler.

Nasa Mexico kami nung 2014, nagdadala ng ammoniang gagawing fertilizer sa agriculture nung biglang bumirit yung chemical alarm ng barko. Biglaan. Kala namin mamamatay na kami. Iyakan saka di kami makahinga, pero nakaligtas rin sa awa ng Diyos.

Sa Africa naman, kelangan naka-convoy ang mga commercial ship pag bumubiyahe, para di akyatin ng mga pirata. May inaayos ako malapit sa generator nung biglang kumalas yung takip ng cylinder. Napigilan ko naman pero hindi kinaya ng likod ko. Kita mo naman, hindi pa rin ako makalakad ng maayos. Dati may tungkod ako pero nawala na. Ngayon may partial-disability ako. Mapanganib talaga maging marino, pero meron akong inaantabayanan. May programa ang IMO na 6.09. Pwedeng maging instructor ang mga matatandang marino. Pag matuloy ako don, ituturo ko kung anong dapat at di dapat gawin ng mga baguhang seaman. Para di nila madanas yung pinagdaanan ko

A new visual series by Seafarer Asia, Kumusta, Kabaro? Kumusta, Kaibigan? gives viewers gritty glimpses into the lives of Filipino seafarers and their kin. True tales of love, pride, sacrifice, failure and success weave a living tapestry and an oral history of life at sea. The subjects are given free rein on what to share and how they wish to be photographed. The series is inspired by the popular photoblog, Humans of New York.

Share this post

Gregg Yan

Gregg Yan is an award-winning writer and photographer who covers marginalized groups and environmental conservation issues. His work has been featured by National Geographic, Discovery Channel, CNN plus over a dozen books – including Into the Wild, his first coffee table book. He also has a monthly magazine column on wildlife.