
Kumusta, Kabaro? Kumusta, Kaibigan? #12 (Filipino)
Ngayon gusto ng anak ko maging seaman. Sabi ko subukan nalang niya ang ibang industriya, kasi masyadong mapanganib ang buhay sa dagat. Pagdarasal lang ang katapat doon.
Ngayon gusto ng anak ko maging seaman. Sabi ko subukan nalang niya ang ibang industriya, kasi masyadong mapanganib ang buhay sa dagat. Pagdarasal lang ang katapat doon.
Nagsusumikap ako kasi gusto kong maging mabuting panganay para sa aming pamilya. Ako kasi ang panganay sa aming pito at gusto kong tularan nila ako. Gusto ko maging totoo ang mga pangarap nila, gaya ng ginagawa para sa akin ng magulang namin. Sa pamilya namin, one-team kami
Alam mo bang dalawa ang babae sa buhay ko? Yung girlfriend ko kasi, lagi akong inaaway. Teacher siya sa Cebu at dalawang taon na kami.
Kadalasan hindi mo mapapansin kung gano na kalaki ang ginagastos mo hanggang nakabalik ka na. Minsan kasi, mahirap mag-convert to Pesos kung marami kang Dollars na hawak. Nako, ang dami kong nabiling gadgets – iPhone, GoPro. Mga souvenir. Saka syempre beer kasama ang tropa.
Mapanganib talaga ang buhay seaman, lalo na kung sa oil tanker ka. May inaayos ako malapit sa generator nung biglang kumalas yung takip ng cylinder. Napigilan ko naman pero hindi kinaya ng likod ko.