Money Mondays with Chinkee Tan

Ano ang gagawin mo sa perang kinita mo? Learn all about the best ways to manage your money and finances with Chinkee Tan!

Share this post

Photo by Kelly Sikkema on Unsplash

Dear Seafarers, natanong ninyo na ba ito sa sarili n’yo?

Mataas naman ang sweldo ko, pero bakit parang wala naman kaming naiipon?

Malaki naman ang kita ko pero bakit kapag bababa ako ng barko ay parang kailangan ko na kaagad sumampa?

Bakit parang milyonaryo ang pamilya ko kapag nasa barko ako pero kapag nasa lupa na ay halos wala kaming naipundar?

Mga mahal kong seafarers, alam kong mahirap ang inyong trabaho dahil sa tuwing sasampa kayo ng barko ay halos itinataya ninyo ang inyong buhay. At dahil hindi basta-basta ang inyong trabaho ay hindi n’yo nais na basta-basta ring mawawala ang inyong kita at naipon.

Let me share with you the story of one of my subscribers named Janet. She is a seafarer’s wife and because of all the things she has learned and applied from our YouTube channel, our books, and our seminars, she and her family became financially successful.

Dear Chinkee,

Gusto kong i-share itong testimony ko, not to boast but to inspire. Seaman ang husband ko and we have one baby. Alam ko naman na hindi panghabang-buhay na pwede siyang mag-seaman. Through your lessons po, I learned where to put my husband’s income. So far, we have three kinds of income:

  • Active income – from my husband’s remittances
  • Business income – from our small sari-sari store
  • Passive income – from our property rental na commercial space and tricycle

 Tuwing nagpapadala po si hubby ng sweldo, hinahati-hati ko po iyon sa different bank accounts.

  • Bank account 1 – savings from our active income
  • Bank account 2 – savings for the future of our baby
  • Bank account 3 – income from the property rentals
  • Money organizer – sari-sari store earnings used for our daily expenses such as food, transpo. I use this too for our monthly bills like utilities.

Ang natutunan ko po sa inyo ay every cent must have a place. Mas organized po kasi at I know where the money goes to. At kung may sapat na pong pera, I invest it into things that can generate more income kahit hindi kami actively na nagtatrabaho like the property and the sari-sari store.

Thank you po Coach, ang dami ko po natutunan sa inyo. I really try to learn po kasi to be financially-wise para magkasama-sama na po kami ng asawa ko. Para one day, he will not need to go on board. Yung one day kaya na po namin mabuhay comfortably because of our investments and businesses. I hope marami pong ma-inspire sa simpleng kwento ko po. Thank you Coach and more power!

Marami tayong pwedeng matutunan sa kwento ni Janet pero heto ang tatlong bagay na pinakakinatuwaan ko sa mga desisyon niya.

Financial management requires teamwork.

It is important that you and your spouse have agreed to the same financial goals. Ang nakatutuwa sa kwento ay as the husband works hard abroad, Janet also works hard to make wise decisions on where to put their money. Imbes na ginasta ni asawa ang pera sa pagsa-shopping at sa pagpapa-parlor, inilagay niya sa assets at investments na magpapalago pa ng kanilang pera.

Have many baskets.

Napansin niyo ba na maraming bank accounts sina Janet? It is a good decision na you assign a particular purpose per bank account. Malalaman mo na kung saan napupunta ang pera mo, maiiwasan mo pa ang biglaang pagwi-withdraw because the purpose of the money is clear.

Have different kinds of income.

Alam ni Janet ang realidad na hindi habambuhay ay malakas ang asawa niya at kaya pang mag-seaman. So, she bought assets that can produce more wealth like the tricycle and the commercial space.

Maliban sa passive income, may business pa sila. Pangtulong din ito in case na maisipan ni mister na hindi na sumampa. May pwede nang umalalay sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Sana all talaga Janet! Nawa pamarisan natin siya na naging matalino sa pamamahala sa kinikita ni mister. Janet, your story is so inspiring. I am happy that you put into practice what you have learned in our lessons.

Dear seafarers, sa ngayon, mag-usap muna kayo ni misis kung ano ang financial goals ninyo para sa pamilya and devise a financial plan kung paano n’yo aabutin ang goals na ito. Kung may malinaw kayong goals at plan, hindi na mawawala nang parang bula ang kinikita mo sa pagbabarko. Kung magiging matalino lang kayo mag-asawa sa pamamahala ng inyong pera, maaaring makauwi ka na at makapiling mo pa ang iyong pamilya.

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Saan napupunta ang iyong kinikita?
  2. Mayroon ka bang naipundar na o kaya naging investment?
  3. Ano ang financial goals mo para sa iyong pamilya?

To know more on how to invest in real estate to create passive income, please go to www.chinktv.com and check REAL ESTATE 101.

 

Chinkee Tan

An actor turned businessman, Chinkee Tan once became part of the 80s group Hawi Boys of actor Randy Santiago. In 1994, he decided to quit showbiz and enter into the world of business. He got involved in the industries of Sales, Publishing and Consultancy. Now, Chinkee is known as the anchor of his Sunday radio program on 92.3 NewsFM, Chink Positive, an author of 10 best selling books, a social media influencer, a wealth coach, and one of the country’s most sought after motivational speakers.