Finance Fridays with Capt. Christopher Cervantes

May financial goals ba kayo? Basahin ang mga payo ni Capt. Cervantes kung paano makamit ang mga pangarap mo, kabaro!

Share this post

Photo by Christian Erfurt on Unsplash

Bago sumampa ng barko, ang pangunahing problema ni Mario ay kawalan ng pera.  Sa katunayan hindi ang pagbabarko ang gusto nyang kurso, pero ito ang nakikita nyang mabilisang paraan para maka-ahon sa hirap, dahil yan ang nakita nya sa mga kamag-anakan nya.  Pero noong makasampa sya ng barko, ang problema pa rin nya ay pera.  Hanggang sa naging Chief Officer sya sa tanker, pera pa rin ang madalas na dahilan ng away nila ng kanyang asawa.

Sa kasamaang palad, si Mario ay isa lamang sa maraming kwento ng mga marino na sumampa ng barko na pera ang problema, ngunit matapos ang mahabang karir sa pagbabarko, pera pa rin ang problema.  Isa ka rin ba sa mga katulad ni Mario?

Kung may problema ka sa pera, ano ba dapat ang solusyon? Ang magkaroon ng mas maraming pera?  Mali! Pero maraming tao na ang naiisip nila sa problema sa pera ay ang kumita ng mas malaki.  Pero napansin mo ba, noong kadete ka, ang sahod ay kasya, nung naging rating ka, kasya pa rin.  At nung naging officer na, ang laki ng sahod pero ang sahod ay kasya pa rin, walang sobra.  At maraming marino, kung kalian lumaki ang sahod mas lalong lumaki ang problema sa pera.  Mas lalong nabaon sa utang.

Kadalasan, ang dahilan sa problema sa pera ay ang kakulangan natin sa kung paano nga mag manage ng pera.  Ganun din ang kakulangan natin sa kung paano nga ba gumagalaw ang pera.  Kadalasan, naiisip natin, kung mas malaki na ang sahod, maaari na tayong gumastos ng mas malaki.  Gusto natin na ang lifestyle natin ay sumusunod sa kung magkano na ang sahod natin.  Sa kasamaang palad, mas nauunang lumaki ang lifestyle kaysa sa income, at lifestyle palagi ang nagiging kalaban natin.

Kung hindi mo kayang i-manage ang maliit na pera, paano mo kakayaning i-manage ang malaking pera?

Kaya kung may problema kayong mag-asawa sa kung ano ang nangyayari hindi lamang sa allotment kundi maging sa lahat ng iyong kita, ito ang maaari nyong gawin:

Alamin kung ano nga ang pera

Kung pera palagi ang dahilan ng sigalot sa pamilya, kailangan mo ng harapin ang sularanin ito ng buong tapang.  Dapat nating maiintindihan na ang pera ay hindi lamang ang iyong trabaho, kundi ito ang iyong kakayahang gumawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang.  Money is about your value. Kapag mas malalim ang pang unawa mo sa bagay na ito, mas lumalaki ang iyong pagkakataong kumita ng mas malaki.

Alamnin kung saan napupunta ang iyong pera

Kung ang alam mo lang ay kung paano kumita at hindi mo naiintindihan kung saan napupunta ang pera, hindi na nakakapagtaka na malalim ang problema mo dito.  Saan nga ba napupunta ang iyong pay onboard at allotment?  Sa mga bagay bang mga gusto mo sa panandalian o sa mga bagay na may silbi sa buhay?  Ilang bahagi ang napupunta sa gusto mo pero di naman talaga kailangan, tulad ng gadgets at mga pagkaing mamahalin? At ilang bahagi nito ang napupunta sa pag-iipon o pag-iinvest?  Kung puro sa gastos lamang nakalaan ang kita mo buwan-buwan at walang natitira patungo sa savings at investment, huwag kang umasang mawawala pa ang suliranin mo sa pera.

Gumawa ng budget ayon sa prioridad

Kung alam mo na kung saan napupunta ang pera, mainan na alamin mo kung alin ba sa mga gastusin mo ang maaari mong alisin o bawasan.  Upang nang sa ganun ay magkaroon ka ng mas maraming sobra sa kita mo kada buwan.  Ang budget ay isang mabisang paraan upang mangyari ang mga goals mo.

Alamin kung ano ang iyong mga mithiin

Kadalasan kung bakit walang napupuntahan ang ating kita ay dahil wala naman tayong inaasam.  Pero kung may pangarap ka tulad ng makapagpaaral ng anak sa mamahaling kolehiyo o makapag retire sa maagang edad, at kung gagawan mo ito ng plano, may mangyayari sa pinaghirapan mo.  Kaya mainam na bago sumampa ng barko, kung may asawa ka, dapat planuhin nyo kung ano nga ang mga pangarap nyo na gusto nyong marating.  Alamin mo rin kung magkano ang kailangan mong ilaan kada buwan upang mangyari ito.  Matapos nyan ay isama ito sa budget.

Tandaan, hindi ka habang buhay malakas, at hindi palaging may kita.  Ang intention ay dumating ka sa puntong kaya mo ng hindi magtrabaho ngunit naibibigay mo pa rin sa pamilya mo at sarili mo ang inyong mga pangangailangan—at yan ang financial freedom.  Ang puntong ayos ka lang kahit hindi ka na pasampahin pa ng barko

Christopher Cervantes
CIS, CSR, RFP

Christopher G. Cervantes, is a registered financial planner, a certified investment solicitor, and Certified Securities Representative.  He is also the author of the book Financial Planning for the Fast Changing World and The Seed Money.  Aside from being a financial planner he was also an active seafarer for 17 years with a position of Chief Officer on board oil and chemical tankers.   It is his mission to help his fellow seafarers and OFWs to attain financial freedom through sound financial education.  For any questions email him at: topher_cervantes@yahoo.com.   You can also find him on www.facebook.com/FinancialPlanningfortheFastChangingWorld and www.cardinalbuoy.com