Mag-click dito para basahin sa Ingles.
Robin Jorge Gapuz, 22

Hindi ako masyadong nakapag-ipon nung first cruise ko kasi unang beses kong makapunta sa iba’t-ibang lugar tulad ng Caribbean, Australia, Japan saka syempre America. May option kasi kaming magpahinga pag may shore leave, pero yung mga ka-age ko, halos-lahat bumaba para mag-adventure.
Kadalasan hindi mo mapapansin kung gano na kalaki ang ginagastos mo hanggang nakabalik ka na. Minsan kasi, mahirap mag-convert to Pesos kung marami kang Dollars na hawak. Nako, ang dami kong nabiling gadgets – iPhone, GoPro. Mga souvenir. Saka syempre beer kasama ang tropa.
Taga Nueva Viscaya ako at kahit puro bundok samin, marami kaming seamen na napapadala abroad. Na-inspire akong maging seaman nung Tito ko kasi mayaman siya saka lagi niya kaming kinukwentuhan ng mga travel tales niya.
Paalis na uli ako para sa third cruise ko this week. Kakatapos lang ng medical check-up ko. Ngayon, pinag-iipunan ko yung bahay namin sa Viscaya, para gumanda ulit. Gusto ko rin kumuha ng lupa. At kahit di nga ako masyadong nakapag-ipon dati, happy talaga ako. Kahit yung bank account ko hindi puno, yung Instagram account ko naman, halos lahat IG-worthy.
A new visual series by Seafarer Asia, Kumusta, Kabaro? Kumusta, Kaibigan? gives viewers gritty glimpses into the lives of Filipino seafarers and their kin. True tales of love, pride, sacrifice, failure and success weave a living tapestry and an oral history of life at sea. The subjects are given free rein on what to share and how they wish to be photographed. The series is inspired by the popular photoblog, Humans of New York.
Share this post


Gregg Yan
Gregg Yan is an award-winning writer and photographer who covers marginalized groups and environmental conservation issues. His work has been featured by National Geographic, Discovery Channel, CNN plus over a dozen books – including Into the Wild, his first coffee table book. He also has a monthly magazine column on wildlife.