Mag-click dito para basahin sa Ingles.
Jake Sario, 20

Alam mo bang dalawa ang babae sa buhay ko? Yung girlfriend ko kasi, lagi akong inaaway. Teacher siya sa Cebu at dalawang taon na kami.
Tatlong buwan na akong nag-aaral para sa exams. Tatlong buwang walang tulog at gimmick para magkaroon sana ng magandang kinabukasan.
Pag-uwi ko araw-araw, sobrang pagod na ako. Kadalasan, gusto ko nalang matulog – pero sa kathang-isip niya ay meron akong ibang mga babae. Selosa talaga siya, kahit na pag-gising ko sa umaga itetext ko na siya. Bago rin matulog.
Pag nag-aaway kami, ako nalang lagi yung nagpapakumbaba at nag-sosorry, kahit na wala naman akong ginagawang masama. Gusto niya ganon. Sweet daw.
Pero ang katotohanan, nagsisikap ako hindi lang para sa girlfriend ko, pero para sa pangalawang babae sa buhay ko – ang aking nanay.
Plano kong mag-ipon para di na niya kelangan magtrabaho sa Saudi. Only child kasi ako at ang tagal na niyang nasa abroad. Miss ko na siya. Miss na miss na talaga.
A new visual series by Seafarer Asia, Kumusta, Kabaro? Kumusta, Kaibigan? gives viewers gritty glimpses into the lives of Filipino seafarers and their kin. True tales of love, pride, sacrifice, failure and success weave a living tapestry and an oral history of life at sea. The subjects are given free rein on what to share and how they wish to be photographed. The series is inspired by the popular photoblog, Humans of New York.
Share this post


Gregg Yan
Gregg Yan is an award-winning writer and photographer who covers marginalized groups and environmental conservation issues. His work has been featured by National Geographic, Discovery Channel, CNN plus over a dozen books – including Into the Wild, his first coffee table book. He also has a monthly magazine column on wildlife.